Chapter 22

496 9 9
                                    

Chapter 22

Uwian na namin ngayon. Kahit present ako sa klase, wala akong naintindihan sa mga itinuro sa amin nung teacher. Agad akong lumabas ng class room nung matapos akong magligpit ng gamit. Wala akong gustong gawin ngayon kung hindi ang umuwi na lang.

Ang  sama-sama ng loob ko ngayon. Gusto kong umiyak. Wala naman akong ginawa kasi sa kanila. Naninikip yung dibdib ko sa sakit. "Hey. Are you okay?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita ko si Luke. Pero nakita ko rin sina Valerie sa likod niya.

"Y-Yeah. Gotta go bye." Sabi ko. "Wait!" Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa at tumakbo na lang ako patungo sa mga estudyanteng paalis na rin sa school. Ayoko na. Gusto ko nang umiwas sa anumang gulo.

Nung makita ko na ang sundo ko, agad akong sumakay sa kotse. "Ayos ka lang ba anak?" Tanong sa akin ni Tatay Eddie. "Oho. Uwi na po tayo" Sabi ko.

Maya-maya lang, hindi ko namalayang nandito na pala kami. Masyadong naging okupado ang isip ko. Pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa kuwarto at sinara ang pinto. Hindi ko na napigilang umiyak. Alam mo ba yung feeling na parang sobrang sama talaga ng loob mo? Kasi hindi mo naman talaga sila inaano. Bakit ang laki ng galit nila sa akin? Ano bang ginawa kong mali?

Kailangan ko na namang ba pagdaanan ulit lahat ng pinagdaanan ko noon? "Cheska?" May kumakatok sa pinto. Ayoko pa munang buksan. Ayokong may makakita sa akin na ganito ako. "Bes si Ike 'to. Buksan mo yung pinto" Nung marinig ko ang boses ni Ike ay agad kong pinunasan ang pisngi kong basang-basa na dahil sa luha at binuksan ko ang pinto.

Nung mabuksan ko na ito ay bigla siyang nagulat. "A-Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya. Niyakap ko siya kaagad at umiyak. Umiyak lang ako ng umiyak. Pakiramdam ko ay sobrang namamaga na talaga ang mata ko. Pero hindi ko na 'yun inintindi pa. Ang mahalaga, nandito si Ike. Nandito ang kaibigan kong ni minsan ay hindi ako iniwan. Na pinaramdam sa aking kung gaano ako kaespesyal.

"Shhh" Pilit niya pa rin akong pinapatahan. "I'm here" Dagdag niya pa. At hinalikan ang tuktok ng aking ulo. Unti-unti na akong kumalma hanggang sa pinaupo muna niya ako sa kama sa aking kuwarto at bumaba siya saglit.

Tama bang layuan ko na si Luke? Hindi ba masyadong selfish ang gagawin ko? "Eto oh, uminom ka muna ng tubig" Panay pa rin ang hikbi ko. Siguro sa kakaiyak. Kinuha ko yung tubig at uminom. "Now tell me, what happpen?" Tanong niya.

"I-Ike, h-hindi ko pa kayang ikuwento" Sabi ko. Hindi naman sa pagiging unfair. Pero ayoko lang na malaman niya yung nangyari kanina kasi for sure baka mapahamak siya. And I won't let that happen.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon