Chapter 12

493 19 1
                                    

Chapter 12




Nakauwi na kami galing sa airport. Tahimik pa rin ako habang inaalala ang mga nangyari kanina.




"Cheska? May problema ka ba? Pwede mo naman sabihin sa akin e"Sabi ni Axl. Pinunasan niya pa yung mga mata ko. Hindi ko namalayang umiiyak na naman pala ko.




Nandito kami sa living room. "Wala." Sabi ko. At ngumiti ng pilit. "Sigurado ka ba?" Aniya. Tumango na lang ako. "Pupunta muna ko sa kwarto ko" Sabi ko. "Sige samahan na kita." Sabi niya.




Actually, gusto ko talagang sabihin kay Axl. Kaso nga lang nagaalinlangan ako. Close rin kami ni Axl dahil pumupunta siya dati sa Laguna para magbakasyon. Kaso ayoko lang talaga sabihin kasi hindi pa ko handa.




Inaalalayan niya ko paakyat dahil nanghihina pa rin ang mga tuhod ko. Pinaupo niya pa ko sa kama. "Cheska, kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako ha?" Sabi niya. Tumango ako at ngumiti. This time totoo na. "Salamat" Ngumiti siya pabalik at sinara na ang pinto.




Napakaswerte ko dahil may tumatayo pa rin na parang kuya ko. Namiss ko tuloy si Kuya— Argh. Nevermind. Kinuha ko ang bag ko na nasa table. Magiisketch na lang siguro ako. Dahil isa lang yung gamit kong kamay, nahulog yung bag ko at nagkalat ang gamit sa sahig.




Pinulot ko na lang 'yun isa-isa at nilagay sa bag. Nung matapos na ko magligpit, may naiwang bagay sa sahig na nakaagaw ng atensyon ko.




Pinulot ko iyon at bigla akong kinabahan. Y-Yung Journal ni Jessica. Babasahin ko ba 'to o hindi? Umupo muna ko sa kama at saglit na pinagmasdan ang libro. Gusto kong makilala si Jessica. Gusto ko rin malaman ang tungkol sa kanya.




Binuklat ko ang Journal at binasa ng mahina ang nakasulat sa harapan. "Property of Jessica Rose Alcantara"




Sinimulan kong basahin ang nakapaloob dito.  Nagsimula siyang magsulat ng September. Project pala nila 'tong Journal. Napag-alaman ko rin na old student siya ditoat matagal na silang magkaibigan ni Janella.




September 28,



Nandito kami ni Janella sa Cafeteria. Busy na naman kami para sa dadating na sportsfest. Hindi ko alam kung ano yung sasalihan kong sports event. Siguro Volleyball nalang or badminton. Pero panigurado maglalaro siya ng basketball. Nakakaexcite naman manuod! Haaaay. Kailangan ko narin palang gawin yung mga assignment ko.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon