Chapter 27

494 12 4
                                    

Chapter 27

Halos hindi ako makatulog kagabi. Pagpumipikit ako, naaalala ko yung litrato. Takot na takot ako sa litratong nakita ko sa rest room kahapon. S-Sino kaya yung kasama ni Janella? Hindi nga ako nakakain ng maayos kagabi.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Pero kanina pang alas-kwatro ng madaling araw ako nagising.

Ginawa ko agad ang aking morning routines. Wala na si Axl pagkababa ko. Wala rin si Tatay Eddie, umuwi siya ng Laguna dahil naospital yung asawa niya.

No choice kung hindi magcommute na lang. Kinuha ko yung bag ko at binuksanang pinto. Nagulat na lamang ako sa aking nakita. Sh*t si Ike. Nakasandal siya sa kanyang kotse. Wala namang nagbago sa kanya. Ganun pa rin. "Cheska saan ka pupunta?"

Binilisan ko ang paglalakad ko. Ayoko pa rin siyang makita. Oo nga pala. Bakit nga ba hindi ako nagising ng maaga.

"Cheska wait" Hindi pa rin ako lumilingon. Lakad-takbo lang ang ginagawa ko. Nung medyo nakalayo na ako sa kanya, binagalan ko na ang paglalakad ko. Napagod ako sa pagmamadali.

Nagulat ako nung may bumusina sa likod ko. Hindi ko pa rin siya nililingon. Pinantayan niya ako at binaba ang bintana ng kotse. "Hop in" Sabi niya.

Kung tatakbo ako, mahahabol pa rin ako nito. Wala na ring ibang daanan. Hay. "Kaya kong magcommute" Sabi ko ng hindi siya tinitignan.

"But I can't leave you" Sabi niya pa. "I can manage" Sabi  ko.

Ramdam kong hindi niya na ako sinusundan. Pero saan naman siya pumunta? Ayoko lumingon. Pero bigla na lang may humila sa braso ko.

Tinignan ko kung sino. Si Ike. "Bitawan mo ko" Pero parang wala siyang naririnig. Kainis.

"Michael John Andrada bitawan mo ko!" Ginamit ko ang buong lakas ko para makawala sa kanya. Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko.

"Shhh. I'm sorry" Tapos niyakap niya ako. Tuluyan na akong naiyak. "Halika" Binuksan niya yung pinto  at pinapasok niya ako sa loob.

Tahimik lang kami sa byahe. "Bes?" Tawag niya sa akin. Nagulat na lang ako at napakunot yung noo ko?

Ngumiti na lang siya. " Alam kong ayaw mo pa Cheska. Handa akong maghintay" Sabi niya. Eto na naman ang guilt.

"I want to call you 'bes' again. Para hindi ka mailang. I miss you" Sabi niya. Kahit pa. Hindi katulad ng dati, walang ilangan. Parang may harang na kami.

"Thanks for the ride." Sabi ko nung makarating kami sa harap ng school. Tinatanggal niya pa lang ang kanyang seat belt. "I forgive you" Sabi ko. Parang bigla siyang natulala sa sinabi ko.

Bumaba agad ako ng kotse. Sa dami ng estudyante ay hindi niya na ako nasundan. Tama siguro si Ma'am Yuna.

' Kaya mahalaga ang paguusap. Bago pa man may masaktan, bago pa lumala at bago pa man masira ang relasyon niyong magkakaibigan. Idaaan sa magandang usapan dahil sa huli, baka magsisi ka.'

------

Nung makarating ako sa class room, may nagkakagulong mga estudyante. Pagkalapit ko doon ay amoy mo yung masangsang na amoy. Parang patay na daga.

Tinakpan ko kaagad yung ilong ko. Pero may narinig akong nag-iiyakan. "Excuse me!" Sigaw ko. Pinipilit kong isiksik ang sarili ko. Ano bang nangyayari?

"Leslie!" Sigaw ng isang babae. Halatang umiiyak siya. Bigla akong kinabahan.

"Fvck. "

"Kadiri"

"Sh*t anong nangyari?"

"Is that Kris? "

Lalo akong kinabahan sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko. "Excuse me!" Sigaw ko. Nakarating ako sa pinaka unahan.

"SH*T" Napahawak ako sa aking bibig. S-Sina Kris at Leslie.

Nagulat ako sa nakita ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. P-Patay na s-sila.

Si Leslie ay nakaakbay kay Kris na parang sinadya. Nakatali yung kanilang mga kamay at paa sa upuan. Marami silang saksak at mukhang sariwa pa ito. Nakaharap sila sa board.

A-Ang daming d-dugo sa paligid. Naiiyak ako sa aking nakita. Ngunit tumaas lalo ang balahibo ko nung may nakasulat sa blackboard namin.

'True Friends'

Nakasulat ang mga iyon gamit ang dugo. Parang nanghihina ako. Unti-unting dumidilim ang paligid ko. Ang huli ko lang nakita ay isang babae na nakaupo sa likod nina Leslie at Kris.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon