Chapter 10

650 19 1
                                    

Chapter 10

"We're going to have a quiz. Review in 10 minutes". Sabi ni Sir. Reyes. Mahilig talaga si sir magpasurprise quiz. Hindi ko talaga malimutan yung nangyari kagabi. Hindi pa ko nakatulog ng maayos. Kaya buti na lang kahit inaantok ako ngayon, nakinig pa rin ako sa lessons ni Sir. Saturday class din namin ngayon. Para daw sa make-up classes. Ngayon lang naman daw.

"Cheska, Review tayo" Sabi sa akin ni Ash. Siya kasi yung katabi ko. Mabuti na lang at niyaya niya ko magreview. Baka kasi antukin lang ako pagmagisa kong magrereview.

"Mabuti na lang at nagadvance reading ako sa bahay." Sabi ni Ash. "Haha. Nagsisipag ka ata?" Sabi ko. "Syempre ako pa ba? May gusto akong pormahan e" Sabi ni Ash. Napakunot naman ang noo ko. "Sino? " tanong ko sa kanya.

Lumingon siya sa aming likuran. Tapos napansin kong nakatingin siya kay Janella na nagrereview katabi ni Luke. Pumasok na pala si Luke? "Si Janella?" Tanong ko at ngumiti lang siya.

"So si Janella nga talaga?" Tanong ko at tumango siya. "Do you want me to help you?" I asked. "Hindi na. Mas gusto ko kasing ako na yung gumawa ng first move. Nagiintay lang ako ng tamang pagkakataon" Napangiti naman ako. "Okay. That's good. Take good care of her. Lagot ka sakin pagpinaiyak mo 'yan" Natawa naman siya pero mahina lang at baka pagalitan kami ni Sir. Baka hindi pa nagsisimula ang quiz magka minus 10 agad kami. "Yes boss" Sabi niya at nag salute pa. hahaha.

May ganito pa rin pa lang mga lalaki 'no? Nakakatuwa namang isipin. Napalingon naman ako kay Luke at doon ko lang nalaman na nakatingin rin siya sa akin. Matagal kaming nagkatitigan. "Okay class get a 1/4 sheet of paper. Write your name and the date today"

Napaiwas naman ako kaagad ng tingin nung nagsalita si sir. Kanya-kanyang pagkuha ang mga kaklase ko ng mga 1/4 sa bag. Yung iba naghihingian pa. "Okay question number 1. What do you call---" At nagsimula na kaming mag quiz. Mabuti na lang talaga, nakinig ako sa lesson ni sir. Lahat rin nang nireview namin ni Ash, lumabas sa quiz.

"Okay kindly exchange paper with your seatmate" Nagexchange kaming dalawa ni Ash ng papel. Dinictate sa amin ni Sir Reyes ang lahat ng mga tamang sagot. Sayang nga dapat perfect si Ash kaso nagkabaliktad yung number 6 at number 7 niya. Tapos ipinapasa ni Sir ang mga papel paunahan.

Tinignan niya isa-isa ang mga papel at sinabi yung scores na nakuha namin. Nakakuha si Janella ng 18. Pareho sila ni Ash. "Uyyy." Pang-aasar ko kay Ash. "Wag mo ko pagtripan Cheska" Haha. Medyo pikon.

"Valerie Mae Marquez 13, Hanna Salazar, 19, Andrei Luke Austria 19 over 20" Sabi ni Sir. "And lastly, Julia Francheska Wilson got 20. "

"Wow Cheska. Perfect. Astig mo talaga" Sabi sa akin ni Ash. Medyo nahiya naman ako sa sinabi niya.

*Riiiinggg ~*Ringggg ~ Lunch na namin.

"Okay class dismissed." Kanya-kanya namang pagsuot ng bag ang mga kaklase ko. "Tara Cheska." Hindi ko namalayang nandiyan na pala sa likod ko si Janella at Hanna.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon