Chapter 34

247 9 10
                                    



Chapter 34




Ayaw ko sanang pumasok ngayon pero kailangan. Kailangan kong alamin lahat ng nangyayari.




Kahit labag sa loob ko, nagawa ko pang bilisan ang kilos ko dahil ilang minuto na lang ay male-late na ako sa una kong klase.




Nung makarating ako sa ARU, nakita kong parang normal lang ulit. Parang walang nangyaring kahindik-hindik. Napailing na lamang ako.




Agad akong pumunta sa classroom. Pagpasok ko dun ay lahat sila sa akin nakatingin. Para bang gusto nila akong patayin. Matalim ang titig ng bawat isa sa kanila. Agad akong ginapang ng kaba.




"Hi Cheska" Pagbati ni Valerie sa akin. Ano na naman bang kailangan ng babaeng 'to sa akin?




Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako agad papunta sa upuan ko. Napansin kong wala si Luke, Janella at Ash ngayon. Agad akong napabuntong hininga. Nung pagkalapag ko ng bag  sa desk ko, may biglang humila ng buhok ko. Narinig kong nagtawanan ang buong klase.




"Huwag mo kong tatalikuran. B*tch." Hinigpitan niya pa lalo ang pagkapit sa buhok ko. Napa-daing ako sa sakit.



"B-Bitawan mo ko. Nasasaktan ako." Sabi ko. Ngunit ayaw niya makinig. 




Lalo yatang lumakas ang tawanan sa loob ng classroom. Ganito ba talaga sila?




Maya-maya'y naramdaman kong may pumigil kay Valerie. Si Prime at si Ma'am Yuna. "Ano ba Valerie?" Saway sa kanya ni Prime.



Parang namanhid yata yung ulo ko sa ginawang pagsabunot ni Valerie sa akin. Sinuklay ko yung buhok ko gamit ang kamay ko para kahit papano ay umayos.




"Bakit ba pinagtatanggol niyo yung babaeng yan? Akala mo sobrang bait pero may tinatagong baho yan sa katawan" Sabi ni Valerie.




"Ano ba Valerie? Hindi ka ba talaga titigil?" Saway sa kanya ni Ma'am Yuna.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon