Chapter 30

220 10 2
                                    

Chapter 30

Pauwi na kami galing school. Hinahatid ako ni Luke pauwi. Maaga akong pinauwi dahil sa nangyari kanina. Kaya heto kami, parehong tahimik. Walang nagsasalita sa amin.

My girl. Habang iniisip ko pa lang pakiramdam ko'y umiinit ang pisngi ko.

"Masakit pa rin ba yung braso mo?" Nagulat na lang ako nung bigla siyang nagsalita. "H-Ha? N-No O-Okay lang" Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot at nanahimik uli.

"I'll fetch you later. Tawagan mo ko kapag may problema okay?" Sabi niya nung bago ko bumaba.

Binuksan ko ang pinto ng kotse. "Cheska" Napalingon ako sa kanya bago pa man ako makababa.

"B-Bakit?" Tanong ko. Saglit siyang natahimik at tinitigan ako. Medyo naiilang ako kaya napaiwas rin ako ng tingin. "Nothing" Sabi niya. Napatingin ako muli sa kanya at ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako. Nagulat na lang siya nung hinalikan ko siya bigla sa pisngi.

"Thank you" Sabi ko at bumaba na. Dali-dali akong pumasok sa gate.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Huminga ako ng kaunti at pumasok na sa bahay. Haaay Luke. Bakit ba ko nagkakaganito ng dahil sa'yo?

Napansin ko namang abala sina Lelay sa paglilinis ng bahay. Agad nila akong binati at inalok kung gusto ko bang kumain. Tumanggi na lang ako at umakyat na sa kwarto ko. Pagkarating ko doon ay agad akong napahiga sa kama ko.

Ganoon na lang ba talaga kalaki ang galit sa akin ni Valerie? Hindi ko lubusang maisip na nakayanan kong gumanti sa kanya. Oo alam kong mali yung ginawa ko pero hindi naman ako ipinanganak sa mundong ito para tapakan lang ng isang tao.

Lahat ng tao may karapatan. Karapatan niyang makakuha ng respeto sa iba. Siguro'y tama lang ang ipagtanggol ko ang sarili ko. Tama nga na sa sobrang kabaitan mo, may mga taong aabuso sa'yo.

Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang malabong magkaayos kaming dalawa. Hindi na ganoong masakit ang braso ko. May pasa lang ito ng kaunti. Napaupo ako sa kama ko.

Laking gulat ko na lang nung may nakita akong libro na nasa sahig. Tinignan ko itong mabuti at napag-alaman kong journal pala ito. Oo ang journal ni Jessica.

Napalunok ako ng ilang beses bago ko damputin ang Journal sa sahig. Naglinis kaya sila manang dito?

Binuklat kong muli ang journal. Ang ibang pahina ay hindi mo na maintindihan dahil sa ito'y may bura, yung ibang pahina ay punit-punit pa, at higit sa lahat hindi na mabasa ang ibang nakasulat dahil para itong nabasa na dahilan kung bakit kumalat ang tinta sa pahinga at ipinatuyo.

Akala ko pa man rin ay bago itong libro. Masyado na akong maraming nakaligtaan na pahinga dahil hindi ko basa ang mga ito. Binuklat kong muli ang isang pahina at nakitang malinaw at maayos ang pagkakasulat nito.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon