Chapter 2

834 27 6
                                    


Chapter 2




"Hi, good morning. I am Julia Francheska B. Wilson.  Nice to meet you."




Yung iba nakangiti. Yung iba poker face at yung iba naman ay parang walang pakielam. Pero lahat sila nakatingin pa rin sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya. May dumi ba sa mukha ko? O magulo ba ang buhok ko? Hindi ko maiwasan mag-isip ng kung anu-ano.




Pinapaupo na ako ni ma'am kaya naman naglakad na ako habang nakatungo papunta doon sa nakita kong vacant chair malapit sa bintana ng biglang may kumatok sa pinto. Naagaw naman 'nun ang atensyon ng klase. Bigla akong nakahinga ng maluwag kaya agad akong umupo doon sa bakanteng upuan. Binuksan ni ma'am ang pinto. Bago pa man magsalita si ma'am ay...




"Ma'am sorry we're late" --Naunahan na siya magsalita nung isa.




"Kyaaah andyan na sila"

"Oo nga sis. Gwapo talaga nila"

"Teka bes. Magulo ba buhok ko?"

"Kelan pa ba hindi gumulo 'yan?"

"'Tse"




Rinig kong bulungan ng mga babae. May apat na lalaki na pumasok sa room. Sila ata yung tinutukoy nitong mga babae. Dati kapag na sa classroom ako at wala pang ginagawa, ay hobby ko talaga na tumingin sa bintana. Kaya ayun yung ginawa ko. Nakakaenjoy kasing tignan yung view. mabuti na lamang at bakante ito.




"Bakit kayo nalate?" Rinig kong tanong ni ma'am.




Hindi na ako nakinig pa sa kanila. Hindi naman ako ganoong interisado. Kinuha ko na lang ang aking sketchpad at nagsimula nang gumuhit rito.




Nagulat na lang ako nung may kumulbit sa akin mula sa likod. Lumingon naman ako at nginitian niya ako. "Hi" Sabi nito.




"Hello" Sabi ko sabay nginitian siya.




"Ako si Janella. Sabay tayo maglunch?" Sabi nito saka ngumiti. Natuwa naman ako dahil niyaya niya ko.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon