Chapter 16

512 12 4
                                    

A/n:  Dedicated to her. <3 Hi sissy.

*****

Chapter 16

Tahimik akong gumuguhit ng larawan sa aking sketchpad. Wala kasi kaming teacher ngayon. Hindi rin namin alam kung bakit siya absent. Sandali akong napatigil sa pagguguhit. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung nangyari nung pagkatapos ng libing ni Mariel.

Hanggang ngayon, kinikilabutan pa rin ako. "Cheska? Ang laki na ng eye bags moNagmumukha ka ng zombie" Sabi ni Ash. Loko talaga 'to.  Tawagin ba naman akong zombie? "Ewan ko sa'yo Ash. Ako na naman trip mo." Sabi ko.

"Matulog ka ng maaga. Sige ka lalaki 'yan lalo." Aniya. Pinitik ko yung noo at natawa naman ako sa naging reaksyon niya. "Aray ha? Child abuse ka!" Biro niya sa akin habang hinihimas ang parte na pinitik ko. "Child abuse ka diyan!" At tumawa naman siya.

Napatigil siya sa paghihimas sa kanyang noo nung nakita ng yung sketchbook ko. "Cheska, ikaw yung nagsketch nito?" Kinuha niya ang sketchbook mula sa desk ko at tinignan ang mga laman. "Oo." Sabi ko na lang. "Wow. You're great." Sabi niya na parang manghangang-mangha. "Matagal ka ng naiisketch?" Tanong niya. "Yeah. Simula nung six years old? I can't remember.  Pero hobby ko 'yan simula nung  bata pa  ko." Ngumiti naman siya. "You're amazing".

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nakakatuwa pala kapag may nakapansin nang gawa mo 'no? Bigla siyang tumingin sa akin. "Pero" Kumunot naman ang aking noo. "Pero ano?" Tanong ko.

Mapaglaro siyang ngumiti. "Pero malaki pa rin 'yang eye bags mo." Sinuntok ko siya ng mahina sa braso. "Ewan ko sa'yo Ash." Tawa siya ng tawa. At sa sobrang lakas ng tawa niya, pinagtitinginan tuloy siya ng amin mga kaklase.

"Pero Cheska, ito talaga yung nagustuhan ko sa lahat nang inisketch mo. Lahat naman maganda pero nagustugan ko 'to." Bumuklat siya muli ng isang pahina at ipinakita sa akin ang isa sa mga inisketch ko. "Here" Aniya.

"Nagustuhan ko 'tong larawan na 'to. Kasi mukha silang masayang masaya." Paglalarawan niya dito. Ang nakasketch kasi dito ay isang lalaki kasi na nakayakap sa isang babae mula sa likod. Nasa isa silang beach at masayang naglalaro sa tubig. "Ikaw sa lahat nang ginuhit mo, ano yung paburito mo?"

Napaisip naman ako. "Wala" I said. He frowned. "Para sa akin, pantay-pantay lang sila lahat." I said. He nodded and smiled. "Okay. Keep it up! Puntahan ko lang si Janella. Kukulitin ko muna." Sabi niya. Natawa ako at tumango na lang.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon