Chapter 1

1.3K 29 2
                                    

Chapter 1



"Maawa kayo". Hindi sila nakikinig.



"Please, ayoko na." Nagpupumiglas ako pero mahigpit ang hawak nila sa akin.



"Tama na." Hindi matigil ang luha ko sa pagpatak. A-Ayoko na. Kahit hindi ko makita ang kanilang mga mukha, naaaninag ko na papalapit siya. H-hindi!



"Huwag!" Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga.




Lumingon ako sa aking kaliwa at kanan at tinignan kung nasaang lugar ba ko. Napahawak ako bigla sa aking ulo at hinahabol ko ang aking paghinga. Pawis na pawis ako at medyo nanginginig pa rin.




Nasa kwarto lang pala ko. Para akong binunutan ng tinik sa dibdib. Isa lang pala itong masamang panaginip.




Maya maya'y bigla na lamang umingay ang paligid. Napalingon ako bigla sa kaliwa. Nauna pa kong magising bago tumunog 'to. Napailing na lamang ako. Kinuha ko ang alarm clock at pinatay iyon.




5:30 na pala ng umaga. Napabuntong hininga ako. Panaginip lang 'yon, hindi 'yon totoo. Nung ako'y mahimasmasan, tumayo na ako at niligpit ang aking pinaghigaan. Mag-aayos na ko ng aking sarili. First day ko pa naman sa school ngayon.




***



"Cheska, Bilisan mo na dyan. Baka ma-traffic ka pa."




"Opo ma, wait lang " Sinukbit ko ang bag sa balikat ko at agad humarap sa salamin. Inayos ko ang aking palda.



Hinawi ko ang natitirang hibla ng buhok sa aking mukha at ngumiti.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon