Chapter 33.5

238 10 9
                                    



Chapter 33.5






"Cheska tubig oh" Binigay sa akin ni Luke ang isang baso ng tubig. Nasa bahay na ako. Hinatid niya ako kanina. Pati sila Janella ay nakauwi na. Pero ayaw akong iwanan ngayon ni Luke dahil baka raw may masamang mangyari sa akin. Hanggang ngayon ay ayaw niya pang umalis.






Iniimbistigahan na ng mga pulis ang nangyari kanina. W-Wala na. P-Patay na si Therese. Ang sabi pa ng mga pulis, bago raw siya siguro patayin, pinagsamantalahan pa siya.






"S-Salamat" Sabi ko. Inalala ko yung mga nangyari kanina. S-Sino ang gumawa 'nun sa kanya? H-Hindi pala si Jessica yung pumapatay. Sino yung nagtext sa akin kanina? B-Bakit? Bakit niya kailangang gawin 'to. A-Ano bang ginawa ko at kailangang mangyari lahat 'to? Ano ba yung hindi ko dapat malaman?






"Cheska" Hinawakan ni Luke ang magkabilang kamay ko. Napatingin lang ako 'dun.






"Tell me the truth. Bakit ka naghahanap ng class picture ng grade 11 last year? Bakit kailangan mong puntahan si Therese?" Tanong ni Luke.






Tumingin ako kay Axl. Kaming tatlo lang ang nandito sa living room. Alam ni Axl ang lahat ng nangyayari sa akin. A-Ayokong magtiwala. P-Paano kung hindi ko dapat pagkatiwalaan si Luke?







"L-Luke" Ano bang gagawin ko?







"Trust me." Mas hinawakan pa nito ang mga kamay ko ng mahigpit. Kitang-kita ko sa mga mata nito na totoo ang sinasabi niya. Pero, paano k-kung...





Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon