Chapter 23

374 11 5
                                    

A/n : Dedicated to herHi @OnneeChan sana mabasa niyo po 'to. I love your stories. I'm a fan :") Wala na po ba talagang book 3 yung Special Section? Hehe.

By the way, Team Luke ba kayo or Team Ike? Haha. Enjoyy.

----------

Chapter 23

"B-BrianNanigas ang aking mga paa. Gusto kong pumunta dun. Gusto kong makipagsiksikan sa mga taong nagkukumpulan kay Brian. "Anong nangyari?" Nagulat na lang ako nung tapikin ako ni Luke mula sa likod. 

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Saka ko lang napansing umiiyak na pala ako. "B-Brian." Yun na lamang ang salitang lumabas sa bibig ko. Nanginginig kong itinuro ko ang lugar kung saan nagkukumpulan ang mga tao. Nanlaki ang mata ni Luke. " Halika" Sabi nito at hinila ako papunta 'dun.

"Excuse me" Sabi ni Luke habang nakikiraan sa mga tao. Hirap kaming makipagsiksikan sa mga tao. Hanggang sa makita namin si Brian. D-Duguan. "Brian" Tinatapik ni Luke ang pisngi ni Brian. "Bry. Gumising ka please" Aniya.

"Tumawag kayo ng Ambulansya! Tulungan niyo kami!" Sabi niya. At dahil maraming may kilala kay Luke at Brian, agad silang tumawag ng ambulansya at pulis.

Maya-maya lang ay nandyan na sila. "Tabi po" Sabi ng isang pulis. Agad nilang inimbistigahan ang nangyari samantalang kami ni Luke ay sumama sa ambulansya. "Brian kung naririnig mo ko please. Lumaban ka" Kitang-kita ko na umiiyak si Luke.

Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang niyakap. Niyakap ng mahigpit. "L-Luke" Nagulat na lang ako nung niyakap niya rin ako.

"Please kahit saglit lang. Kahit isang minuto please let me hug you" Sabi niya. Hinayaan ko na lang siya. "I'm afraid to lose someone again." Sabi niya. Huh? "What do you mean?" That time kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"N-Nothing" Sabi niya. Tumango tango na lang ako."Brian. Can you hear me?" Tanong ko. Hindi pa rin siya gumagalaw. Naaawa ako sa itsura niya. "P-Please. Lumaban ka. Kaya mo 'yan" Sabi ko.

Kung si Luke natatakot mawalan, gayon rin ako. Lalo na ngayo't ako ang nakasaksi kung paano siya nabangga. "Nandito lang kami ni Cheska" Hinawakan niya ang ibabaw ng kamay ko.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Oh my. "Y-Yeah"

Ilang saglit lang ay nakarating na din kami sa ospital. Nasa operating room ngayon si Brian. Kami ni Luke ay nagiintay lang ng resulta dito sa labas. Panay ang paglakad ni Luke. Pareho kaming hindi mapakali.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon