Chapter 18

425 14 1
                                    

A/n: Dedicated to @stephanieflorida. Hi there! Please visit her profile and read her story. Enjoy!

*****

Chapter 18

Isinakay na ang malamig bangkay ni Ann sa ambulansya. Hindi kami makapaniwalang namatay si Ann. Nagimbistiga ang mga pulis at agad ring nilinis ang lugar. Nandito kaming lahat sa class room. Wala pa rin kaming klase. Seryoso ang iba. Marami pa rin ang umiiyak. Hindi ko masyadong nakita ang mukha ni Ann dahil tinakpan ni Luke ang aking mga mata. Ang sabi niya, alam niyang takot ako sa dugo kaya inilayo niya ako dun.

Naalala ko pa ang huling pag-uusap namin. Humingi siya nang tawad sa akin. Napatingin ako kayla Valerie. Humahagulgol siya habang pinapatahan ng isa niyang kaibigan. "Tahan na Valerie". Sabi nung kaibigan niya.

Iyak siya nang iyak. Gusto ko siyang icomfort. Gusto ko siyang patahanin. Kaso alam kong ayaw niya sa akin. "Sino sa inyo ang gumawa 'nun kay Anne?!" Nagulat kami nung sumigaw at tumayo si Valerie. Um-echo ang boses niya sa class room.

Tahimik silang lahat. Rinig sa buong room ang paghikbi ni Valerie. "Hindi na kayo na awa!." Sigaw niya ulit. "Ikaw!" Turo sa akin ni Valerie na ikinagulat ko. Lumapit siya sa akin. "Ikaw! Simula nung lumipat ka dito, may mga namatay na!" Nagulat naman ako sa inakusa ni sa akin.

Sasampalin niya sana ako ngunit may humawak sa kanyang braso. Si Luke. "Hindi mo kailangang humusga ng ibang tao na wala man lang kinalaman dito."  Natahimik siya. Nag-iisip siguro siya nang isasagot kay Luke.

"H-Hindi mo ba napansin Luke? Simula nung lumipat siya, marami ng nagbag---" Hindi na natapos ang pagsasalita niya. Pinutol agad ito ni Luke. "Sa tingin mo kaya niyang gawin 'yun?" Matalim ang mga titig niya kay Valerie.

Nangingilid ang luha sa mga mata ni Valerie. "I hate you!" Tingin niya sa akin. "I HATE YOU ALL" Sabi niya. Umalis si Valerie sa class room at sinara ng padabog ang pinto.

Lalong natahimik ang lugar. Nakakabingi. Nakakabingi ang katahimikan. "Are you okay?" Tanong sa akin ni Luke. Ramdam ko na lahat ng mata ay nakatitig sa amin.

"Y-Yeah." Sabi ko at yumuko. Naiiyak na naman ako. D-Dahil ba talaga 'to sa akin? "D-Don't cry" Sabi sa akin ni Luke. Nilapitan agad ako nila Ash, Janella at Hanna.

"Hey. It's not your fault okay? Don't cry" Sabi ni Ash. Masakit ang mga binitiwang salita sa akin ni Valerie. Hindi ko mapigilang maluha sa mga panghuhusga niya. Hindi ko alam pero parang nagsisisi akong lumipat ng school. "He's right Cheska. Hindi mo iyon kasalanan" Sabi naman ni Hanna.

"Pssh. Maybe karma na ni Ann yung nangyari sa kanya."

"Bakit kaya isisisi pa kay Cheska? Alam naman nating wala siyang kinalaman 'dun"

"Valerie is so judgemental."

"IKR. Insecure masyado"

Kahit nagbubulungan ang mga kaklase ko ay rinig na rinig ko pa rin 'yun. "S-See? It's not your fault. Please s-stop crying. N-Naiinis ako pagnakikita kong malungkot ka" Napaangat naman ako nang tingin. Maging sila Janella ay nagulat rin.

He bit his lower lip. "'D-Dun lang ako" Sabi niya at bumalik sa kanyang upuan. Pakiramdam ko, lahat ng dugo ko ay napunta lahat sa aking mga pisngi.

Alam kong narinig iyon ng iba kong kaklase. "What was that?" Kita kong nakangisi sa akin si Janella. Oh my. Bakit ganito? Parang lalo atang namula ang pisngi ko.

Pinauwi na ang lahat ng mga mag-aaral ng dahil nga sa nangyari. Maigi na rin iyon dahil alam kong hindi rin papasok ang mga ilelesson namin sa aming mga utak. Naguguluhan talaga ako. Una, bakit namatay si Mariel at Ann? Pangalawa, Ano yung sasabihin sana sa akin ni Ann na sikreto? Pangatlo, ang sinabi sa akin ni L-Luke.

Arrrghhh. Seriously? Ano bang nangyayari sa akin? Sinundo ako agad ni Manong Eddie at nagpaalam na kayla Janella at Hanna.

Pagkadating ko sa bahay ay nagligo ako at nagbihis tapos kumain. Dagdag pa sa iniisip ko ang assignment namin sa Math. Haaaay. Binuksan ko ang drawer at kukunin na sana ang aking notebook pero may nakakuha sa aking atensyon. Yung Journal.

Naisip ko tuloy, dapat bang ituloy ko ang aking pagbabasa nito? Kinabahan ako sa ideyang pumasok sa aking isipan. Siguro ayos lang naman kung magbasa ako hindi ba?

Inayos ko ang aking pagkakaupo at binuklat ang pahina kung saan ako natapos.

October 13

Gusto kong maiyak. Nasasaktan ako. Nagseselos ako. Alam kong wala akong karapatan pero 'yun ang nararamdaman ko. Siya na naman. Palagi na lang siya. Ano nga bang magagawa ko?

Binasa ko pa ang ilang mga pahina. Kahit na malayo na ang aking nababasa ay hindi niya pa rin nababanggit yung lalaking gusto niya at yung babaeng pinagseselosan niya. Masyado akong nagiging curious sa mga pangyayari. Bubuklatin ko na sana ang susunod na pahina nang,

*Riinngg ~ *Rinng~ Biglang nagring yung phone ko. Kinuha ko iyon at ibinalik ang Journal sa drawer. Napagalaman kong si Ike pala ang tumawag. Matagal na rin pala nung huli ko siyang nakausap.

"Hello?" Pagbati ko. Hindi siya sumagot. "Hello bes?" Hindi pa rin siya sumasagot. Pero rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. "Ike?" At katulad kanina, hindi pa rin siya nagsasalita. Balak ko ng ibaba ang telepono. "Sige ibababa ko muna." Alam kong narinig niya iyon. Papatayin ko na sana ang tawag pero narinig ko siyang nagsalita.

["I miss you"] Sabi niya.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon