Chapter 28

256 12 3
                                    

Chapter 28


Pakiramdam ko ay hinihila ako pababa.

Wala akong marinig kundi tunog ng bula.

H-Hindi ako m-makah-hinga.

Iminulat ko ang aking mga mata at doon ko napagtantong nasa tubig ako.

Inangat ko ang aking ulo.

Padilim ng padilim ang paligid.

H-Hindi na talaga ako makahinga.

Sinubukan kong lumangoy paitaas pero pilit pa rin akong bumababa.

Nakaramdam ako ng malamig na nakakapit sa aking mga paa.

Sinubukan kong tignan kung ano yun pero bigla na lang akong nakarinig ng malakas na tawa.

Ginapang ako ng kaba.

 Palakas ng palakas ang tawang naririning ko.

Biglang humigpit ang hawak sa aking mga paa.

"Hihihi" Bungisngis na tawang narinig ko.

Nilakasan ko ang aking loob at tinignan ko ang aking paanan.

Sh*t.

"Ha-ha-ha" Y-Yung babae. Sh*t. Sh*t. Pinilit kong makawala sa kanya. Lumalagoy ako paitaas at pinapadyak ang aking mga paa upang makawala ang mga paa ko sa kanya. Pero wala rin akong nagawa.

"HAHAHAHA" Naghalu-halo na ang boses na naririnig ko. May matinis at mayroon ring mababang boses na ikinatakot ko.

"J-Jessica" Sambit ko. Please. Ano bang ginawa ko sa'yo?

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon