Chapter 6

572 18 3
                                    

A/n : Tapos na exam! Yesss. Dedicated to @SherlEscollar <3 

*****

Chapter 6

Natapos rin si Luke sa pagtu-tour dito sa akin sa University. Kahit medyo lutang ako sa nangyari kanina, nag-enjoy parin ako gawa ni Luke. Kaya ito pauwi na kaming dalawa. "Saan ka ba nakatira? Hahatid na kita." Sabi niya sa akin. "No. Ayos lang. Huwag mo na 'ko ihatid. Susunduin naman ako dito e" Sabi ko.

"Are you sure?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Okay" Sabi niya at ngumiti. Pero maya-maya ay may nakasalubong kami. Sila yung kasama ni Luke nung na late sila nung first day ko sa University. "Oh Luke, akala namin na ka uwi ka na?" Sabi nung isa at nagfist-bump pa kay Luke. "Oo nga naman Luke" sabi pa nung isang may hawak ng skateboard. "Baka naman gusto mo kami ipakilala diyan sa magandang dilag na kasama mo?" Sabay tingin sa akin. Medyo namula naman ako sa sinabi nung isa. Aba gaya ni Luke, gwapo rin silang tatlo.

"Oh yeah, Cheska meet my friends. Prime, Ash and Brian" Si Brian yung nag-fistbump kay Luke kanina. Si Ash naman 'yung lalaking may dala ng skateboard at ang aking seatmate. At si Prime na huling kausap ni Luke. "And guys meet Cheska" Ngumiti naman silang tatlo at isa-isa pang nakipagshakehands sa akin. Nakita ko ring andyan na pala yung sundo ko kaya agad na akong nagpaalam sa kanila. "Bye guys. Ayan na yung sundo ko. Nice meeting you all" Sabi ko. Nagpaalam naman sila sa akin at ngumiti. 

*****

Dahil tapos na ang AP namin at afternoon recess na, dumiretso ako dito sa locker ko. Kailangan kong kunin yung notes ko sa Math dahil may quiz kami ngayon. Pagkabukas ko ng locker ko, may mga nahulog na mga sobre. Pinulot ko ito isa-isa at nakita kong love letters pala 'yun. Marami ang nakalagay na 'from your secret admirer' sa labas ng mga sobre. May nagbibigay pa rin pa pala ng mga ganitong mga letters ngayon panahon 'no? Pero may isang papel doon na nakaagaw ng pansin ko. Nakatupi lang ito at walang sobre. Kaya naman kinuha ko ito at binuksan.

'Get Lost'  'yan ang nakasulat dito. Nakasulat ito gamit ang isang pulang lipstick. Nilukot ko ito sabay inilagay ito sa bulsa ko. Sinara ko ang aking locker at naglakad na paalis. Itinapon ko ang papel sa malapit na basurahan. Bakit kaya may naglagay ng ganoon sa locker ko?

*Zzt ~ *Zzt~  Biglang nagvibrate yung phone ko. Tinignan ko kung sino ito pero number lang.

From: 0927*******

Hey Cheska. Si Luke 'to. Paki-save na lang ng number ko. Thanks.

Speaking of Luke? Parang hindi 'yun pumasok kanina? Oh well. Since na sa akin na naman yung number niya, itetext ko na lang sa kanya yung mga assignment namin. Noong nasa tapat na ako ng pintuan ng classroom namin, na kita kong hawak ng dalawang babae si Janella at nasa harapan nito si Valerie. Nagmadali naman ako pumasok para tignan ang mga nangyari. Noong nakita ako ni Janella, bigla itong sumigaw  "Cheska 'waaag!" Pero huli na

*Splashhhhh. ~ 

Nahulugan na ako ng isang balde ng tubig kaya ito, basang-basa ako. Nagtawanan ang iba kong mga kaklaseng mga babae.Napansin kong wala pa masyadong mga lalaki ang nasa room. A-Ang l-lamig. "Hahaha. So andyan ka na pala" Lumapit ito sa akin. "Hoy babae ! 'Wag mong lalapitan si Cheska!" Sabi ni Janella. Lumingon sa kanya si Valerie. "Shut up" Sabi nito at inirapan si Janella at ibinalik ang tingin sa akin.

"Tignan mo nga naman. Bago ka lang dito tapos lahat na ng lalaki dito sa room may gusto sa'yo?" Papalapit siya ng papalapit sa akin. "Hindi lang 'yun. Pati si Luke. Anong ginawa mo at pinansin ka niya ha?" Hinawakan nito ang buhok ko na dahilan para masabunutan niya ako. "Bago ka lang dito pero napakaambisyosa mo" Sabi ni Valerie. Sasampalin ako ni Valerie kaya ipinikit ko ang mga mata ko pero ilang segundo pa ang lumipas, walang kamay na dumadapo sa pisngi ko. Iminulat ko ang mata ko at nakita ko si Prime na hawak niya ang kamay ni Valerie. Kasama ni Prime sila Brian at Ash pero wala si Luke.

"Tinuringan kang muse dito Valerie. Iniidolo ka ng marami tapos ganyan pa ang inaasal mo? Tama ba yang ginagawa mo?" Sabi ni Prime. Bigla ring natahimik yung mga babae na kaninang naririnig kong tumatawa. "S-Sorry P-Prime" Pinakawalan nung dalawang babae si Janella. "Pakisamahan namang magpalit ng damit si Cheska" Sabi ni Ash. Lumapit naman si Hanna at Janella.

Umalis na kaming tatlo sa classroom. Kinuha ko yung extra kong P.E uniform sa locker ko at sinamahan ako nila Janella at Hanna na magpalit ng damit. "Ayos ka na ba Cheska?" Tanong sa akin ni Hanna. Ngumiti ako. "Ayos lang ako salamat" Sabi ko.

Ang malas naman ng araw ko.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon