Chapter 26

408 8 3
                                    


Chapter 26

Tumunog na ang alarm clock ko pero ayoko paring bumangon sa aking pagkakahiga. I need to go to school pero parang ayoko pang bumangon. I checked the time and it's already 5:30 in the morning. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. Panibagong araw na naman.

Wala na akong choice kung hindi bumangon at gawin ang aking morning routines. Ganito ako nitong mga nakaraang araw. Simula pa nung libing ni Brian. Good thing nandyan sila Janella at si Hanna. Naging kaibigan ko na din si Therese. She's very kind and beautiful. No wonder na magustuhan siya ni Brian. Hindi nga lang kami magkasection.

I brushed my long hair just like I always do. Tapos kinuha ko na ang bag ko at isinukbit ito sa aking balikat at bumaba na. Naabutan ko pa si Axl sa baba. Lagi akong ganito kaaga natatapos. "Ingat kayong papuntang school" Sabi sa akin ni Axl. Huh? Anong kayo?

"Ha? " Bigla akong kinabahan. Hindi kaya si Ike 'yun? Kaya ako ganito kaaga bumabangon dahil ayokong maabutan niya pa ako dito. Alam kong medyo malayo yung bahay nila sa amin. Minsan naikukwento sa akin ng aming kasambahay na dumadaan raw dito si Ike kahit na medyo malayo sa kanila. Sana hindi siya please.

"Nandyan si Luke. Nasa dining area. Kumain ka muna bago pumasok" Tumango ako at hinalikan niya ako sa noo. Para akong nabunutan ng tinik. Mabuti na lang at hindi si Ike. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya sa akin. Natatakot akong gawin niya ulit sa akin 'yun.

Umalis na si Axl. Kaya dumiretso naman ako sa kusina. Naabutan ko pang kinakausap ni Luke yung medyo kaidaran kong kasambahay namin. Tila kinikilig ito habang kausap si Luke at mamula-mula ang pisngi. Naka uniporme si Luke at medyo magulo ang kanyang buhok. Kasabay nang pagngiti niya ang paglabas ng kanyang malalim na dimples na dahilan kung bakit lalong tumingkad ang kanyang kagwapuhan.

Simple lang ang kanyang suot pero napakagwapo pa rin niya. Kaya siguro maraming nahuhumaling sa kanya. Natatangi ang kanyang karisma kaya marami rin siyang napapa-ibig. "Good morning Cheska" Pagbati niya nung napalingon siya sa akin. Lalong tumingkad ang kanyang mga ngiti. Sa palagay ko ay namula ako dahil doon. Pero bakit?

"Ay, Ma'am. Mas maganda ka pa sa umaga." Sabi niya habang pumalakpak. "Kain na po" Sabi ni Lelay. Yung kasambahay namin. "Salamat. Sabayan mo na kami" Pagaanyaya ko ngunit agad niya akong tinanggihan. May gagawin pa raw siya at agad naman akong nagpasalamat.

"She's right. You look beautiful today" Sabi ni Luke. Lahat yata ng dugo ko ay nagsiakyatan patungo sa aking mga pisngi. Napatungo na lamang ako dahil sa hiya.

Nung pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa paaralan. Naaliw ako sa pagdungaw sa bintana ng kanyang kotse. "Cheska?" Pagtawag sa akin ni Luke. Napalingon naman ako sa kanya. "Yes?" Diretso ang tingin niya sa daan habang nagmamaneho.

"Kayo na ba ni Ike?" He asked seriously. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "No." Diretso kong sagot. Napatingin siya sa akin. Parang tinitignan ang aking emosyon. "Oh. He is your best friend right?" Tanong niya. Bakit ba ang daming tanong nito?

Bago pa man ako magsalita, inunahan niya na ako. "Nung isang araw, kinausap niya ako. Sinabi niya, layuan raw kita" Nagulat ako sa sinabi niya. "He said, boyfriend ka na daw niya. Dapat daw dumistansya ako." Sabi niya.

"Ike is courting me. But I'm not his girlfriend." Sabi ko. Totoo naman e. Nililigawan niya ako. Pero iniiwasan ko siya. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag nun e. Siguro sa sinabi niyang hindi siya tatanggap ng 'hindi'. Bigla kong narealize na hindi pa pala ako handa.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon