Chapter 15

483 17 0
                                    

A/n: Dedicated to her!  :) As promised. Thanks sa pagvote sa chapters ng SOLS. God bless. By the way, sorry for the long wait guys. Enjoy !

*****

Chapter 15

Isa-isang umalis ang mga dumalo sa libing ni Mariel. Kakaalis rin ng mommy at daddy niya. Pero kami nina Janella at Hanna ay naiwan pa rin dito. Masakit siguro para sa mga magulang ni Mariel ang nangyari dahil nag-iisa lang siyang anak. Mali. Sobrang sakit pala. Kasi ako naranasan ko rin ang ganyang sakit at pangungulila sa kuya ko. Ni minsan, hindi niya ko pinabayaan. Ni minsan, hindi niya ipinaramdam sa akin na nag-iisa lang ako. Ni minsan, hindi ko naisip na mag-iba ng kuya. Tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi.

Napailing na lang ako at pinunasan 'yun. "Sino kaya ang gumawa nito sa kanya? Wala siyang awa." Umiiyak rin silang dalawa. Umupo kami dito sa damuhan at pinagmasdan ang pangalan ni Mariel na nakaukit sa lapida.

Inimbestigahan ng mga pulis ang nangyari . May posibilidad raw na hindi suicide ang nangyari kay Mariel. Kahit ako sinabi ko sa kanila na nagtext sa akin si Mariel. Hindi ko 'yun itinago. Sinabi naman nila Janella, Hanna, Luke at ang kanyang barkada na totoo ang sinasabi ko. Saka umiiwas rin ang school namin sa issues. Siguro para maprotektahan ang pangalan ng aming paaralan. Tsk. Puro sarili na lang ang iniisip nila. Kahit naman sinong makakakita kay Mariel ay alam mong hindi 'yun suicide.

"Hindi ko pa rin magawang tanggapin ang mga nangyari." Sabi ni Hanna. Kahit ako rin ay nagtataka. Wala namang nakaaway si Mariel. Wala rin siyang boy friend. At isa pa, napakabait niya. Kaya hindi ko lubos na maisip na ganito ang mangyayari sa kanya.

Nagstay pa kami doon ng ilang minuto at maya-maya'y nag aya na silang dalawang umalis. Nauna na silang maglakad pero bago ko umalis, "Mariel, we'll miss you. " Pinunasan ko muli ang mga luha sa aking mata at sumunod kayla Janella.

"CheskaBilisan mo". Sabi ni Hanna. "Nandyan na!" Binilisan ko ang paglalakad. "Ang bagal ha?" Sabi ni Janella. Napangisi na lang kami ni Hanna.

"Siya sorry na" Sabi ko. Pumasok na kami sa kotse. Si Janella ang magmamaneho. Actually marunong na akong magdrive pero hindi pa ko pinapayagan ni mommy. Kapag daw college na lang ako.

Doon ako lumugar sa may bintana. "Okay guys mag-seatbelt na kayo" Dito rin ako nakapuwesto sa likod. Pinaandar ni Janella ang makina. Bago pa man kami umalis, lumingon ako muli sa lugar kung saan nilibing si Mariel.

Nagulat ako nung nakita ko na naman yung nakakatakot babae na nakatitig sa akin. Nakita ko siyang nakaupo sa tabi ng lapida ni Mariel. Basang-basa ito at maraming sugat sa katawan.

Iniwas ko agad ang aking tingin. "Ayos ka lang Cheska?" Tanong sa akin ni Hanna. Napansin niya sigurong may problema."A-Ah oo naman. H-Hehe" Sabi ko. Kumunot ang kanyang noo. "Namumutla ka. Sigurado kang ayos ka lang?" Tanong niya at tumango na lang ako.

"N-Nagugutom lang siguro a-ako" Sabi ko. "Sige kain muna tayo" Sabi ni Hanna. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko, nanghihina ang mga tuhod ko.

Pinaparada na ni Janella ang sasakyan sa may parking lot."Cheska, pakitingin nga kung may tao sa likod" Paki-usap niya. Tinignan ko kung meron nga ba. "Wala Janella." Sabi ko. Dahan-dahang umatras ang kotse. Nung lumingon ulit ako sa likod, nagulat ako noong nandoon yung babae. N-Nakatingin sa akin. "Janella tigil!"

Pumreno ng malakas si Janella na dahilan kung bakit kami nauntog. A-Ang sakit ng ulo ko. "What the heck?" Galit na sabi ni Hanna. "What the hell happen?" Dugtong ni Janella.

Lumingon ulit ako pero, wala na siya. "M-May tao kasi k-kanina. S-Sorry." Sabi ko. Medyo nahiya ako sa kanila kaya tumungo ako. "No, it's okay." I looked up. Nakita kong nakangiti sila. Nakakagaan talaga ng loob ang kanilang mga ngiti. "S-Sorry ulit." Sabi ko.

Pumunta na kami sa isang restaurant. Nag-order lang kami saglit tapos kumain na kami. "Cheska? May problema ka ba?" Sabi sa akin ni Hanna. Magkatabi kasi kami habang na sa harap namin si Janella. "Huh? Wala ah?" Sabi ko. "Talaga? Kanina mo pa nilalaro 'yang pagkain mo." She said.

Napatigil naman ako sa ginagawa ko. "Dahil ba kay Mariel?" Tanong ni Janella. Hindi na ko sumagot. "Look. I know that you miss her. Kahit kami, galit din kami sa kung sino man ang gumawa nun sa kanya." Sabi ni Janella. "Pero please,'wag ka naman maging ganyan. Nandito pa kaming dalawa. Nandito lang kami." Pinipigilan kong umiyak. I smiled and nodded.

Nagpaalam ako sa kanila na pupunta lang ako sa powder room. Sabi nila iintayin na lang nila ako. Kaya naman dumiretso na ko at pumunta na sa powder room.

Pagkapasok ko sa loob, napansin kong medyo dim yung light. Ipinatong ko ang bag ko sa sink at naghugas ng kamay. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. I really look pale.

Napapansin kong parang uminit ang tubig at parang kakaiba sa pakiramdam. Tinignan ko ang kamay ko, puno na ito ng dugo. Pinatay ko agad yung gripo. Tinignan ko yung kamay ko at wala na itong dugo.

Pinagpapawisan ako ng malamig at bigla akong kinabahan. Hinahabol ko ang aking paghinga. Shit. Ano yun? Inangat ko ang aking ulo at nagulat ako nung na kita ko sa salamin na nasa likod ko ang isang babae na may nakakatakot na mukha.

Nakatabingi ang kanyang ulo at tumulo sa kanyang mga pisngi ang dugo na galing sa kanyang mga mata. Lumingon ako sa aking likuran ngunit wala sa siya. Sinandal ko ang aking katawan at mahigpit na hinawakan ang lababo.

Basang-basa ang aking mga pisngi ng dahil sa luha. Nanghihina ang aking mga tuhod. Kinuha ko ang bag ko at tumakbo patungo sa may pintuan. Shit. Nakalock yung door knob. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Damn!" Kinakatok ko ang pinto. Napapikit ako nung may tumulo sa pisngi ko mula sa itaas. Pinunasan ko iyon at nakita kong may dugo sa aking daliri.

Dahan-dahan akong tumingin sa kisame. "AAAAAHHHH!" Yung b-babae. Ang ulo niya ay nakaharap sa akin at ang katawan niya ay nakaharap sa kabilang direksyon na parang gumagapang. Basang-basa siya. Pero ang tumulo sa pisngi ko ay dugo. Dugo na nanggaling sa kanyang mga mata. A-Ayoko na. Tama na.

"LEAVE ME ALONE!" sigaw ko. Pinilit kong buksan ang pinto at sa wakas bumukas rin siya. Salamat. Salamat naman. Agad akong tumakbo palabas ng powder room.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon