Chapter 19

459 10 2
                                    

A/n : Dedicated to her! :)

*****

Chapter 19

Halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Maraming gumugulo sa utak ko ngayon. Maraming tanong na hanggang ngayon ay wala pa rin kasagutan. Katulad na lang nung mga nakaraang nangyari. Yung mga sinabi ni Valerie. Yung kay Luke. Tapos kagabi naman si Ike. Haaaay.

Nauna pa akong magising sa alarm clock ko. Naalala ko, sabado nga pala ngayon. At may lakad kami ni Luke. Napatayo ako sa aking pagkakahiga.

"Sino kasama mo?" Tanong ni Axl. Nagbebreakfast kaming dalawa. Nagpaalam kasi ako na aalis ako mamaya. "Si Luke" Sabi ko. At tumango siya.

"Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" Tanong niya. Napatigil ako saglit. "O-Oo." Matalim ang pagkakatitig niya sa akin. Ininom niya ang kanyang kape.

"Bakit?" Umiling na lang ako. Bumuntong hininga siya ng malakas. "Anong problema?" Tanong niya. "Wala naman. Don't worry. I'm fine" Paninigurado ko.

Pagkatapos namin kumain, dumiretso ako sa kuwarto. Magaayos na rin ako kasi maya-maya baka dumating na si Luke. Naligo na ako at pinili ang isang dark blue na dress na may baby collar at above the knee.

*Bzzzt~ *Bzzzt~ Biglang nagvibrate yung phone ko. Habang abala ako sa pagaayos ng aking buhok. Ibinaba ko muna ang aking suklay at tinignan ko kung sino ang nagtext.

From:  Luke

Hey. I'll be there in 15 minutes.

Sabi niya. Hindi ko na malayang nakangiti na pala ako. Inipit ko sa aking tenga ang hibla ng mga buhok sa aking mukha. Nagreply ako agad sa kanya.

To:  Luke.

Okay. Ingat ka. 'Wag ka na magreply.

Ipinatong ko ang phone ko sa kama. Hindi ko alam pero parang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako pero excited. What the?  Ano 'tong pinagsasasabi ko?

Posible ba kayang?---- No. No. Erase. Mali lang siguro ako nang iniisip. Imposible 'yun.

Sandali kong itinigil ang pag-iisip ko ng kung anu-ano. Malapit na rin pala siyang dumating kaya nag-ayos na ko. Naglagay lang ako ng light na make-up at dahil sa natural naman na wavy ang buhok ko, hindi na ko nahirapang mag-ayos. Sinuot ko na ang aking black pumps. Siguro sakto na labing-limang minuto ako natapos mag-ayos. Kinuha ko na ang mga gamit na dadalhin ko at bumaba na.

Pagkababa ko, nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa sofa na nakasimpleng puting v-neck na shirt at maong na pants. Simple pero mas lalo siyang naging gwapo.

Kinakausap niya si Axl. Nung napatingin siya sa gawi ko, bigla na lang siyang ngumiti. Pakiramdam ko pulang-pula ang mukha ko. "Hey" Pagbati niya.

"Hi" Sabi ko at ngumiti. "Cheska, go home before nine. Got it?" Sabi ni Axl. Medyo strict talaga siya pero I always feel secured and protected. I'm very lucky indeed. Kasi kahit wala na akong kapatid, siya na yung tumayong parang kuya ko. "Yes sir!" Sabi ko at nagsalute pa. Napangiti naman siya sa ginawa ko. "Good girl" Sabi niya.

"Shall we?" Sabi ni Luke. Tumango ako at nagpaalam na kay Axl. Pagkalabas pa lang namin ng bahay, nakita ko na ang isang puting Chevrolet. Cool.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon