Chapter 29

302 14 3
                                    

Chapter 29

"Fear"

"Of"

"Blood"

Dahan-dahan kong basa. I searched for the meaning of Hemophobia. I immediately turned off my laptop at nahiga sa kama ko.

Nakauwi na rin ako sa wakas sa bahay. They want me to stay there but hindi ako pumayag. Hindi nila alam na narinig ko ang usapan nila. Bukas rin papasok na ko ng school. Ayos na naman ang pakiramdam ko.

Hemophobia. Sinong magaakalang may ganito akong kalaking trauma sa dugo? Ipinikit ko ang aking mga mata at parang nagflashback lahat ng nangyari sa amin ni kuya.

Gayun rin ang mga nakaraang aksidente na nasaksihan ko. Iminulat ko agad ang aking mga mata. Hindi ko kaya. Parang bigla akong nanghina. Bumababa muna ako sa kusina para uminom ng tubig.

Binuksan ko ang ref at kinuha ang pitsel doon. Kumuha naman ako ng baso at isinalin ang laman na tubig sa baso at ininom ito. Napabuntong-hininga na lang ako at umupo sa upuan.

Bakit kaya? Ano kayang rason kung bakit niya kami ginagambala? May kasalanan ba ko?

Napailing na lamang ako at ininom muli ang tubig. Pero natigilan ako saglit. Parang iba ang lasa niya. Malansa na ewan. Basta hindi naman ito ganito kanina ah?

Tinignan ko ang laman ng baso. Wala naman itong ipinagbago ah? Pero nagulat ako nung mayroon akong babae na nakita sa repleksyon ng baso. Nakangiti ito ng nakakaloko habang nakatagilid ang ulo.

Napatayo ako at buong tapang akong lumingon sa likuran ako ngunit wala naman siya doon. Luminga-linga pa ko bago ako humarap muli.

Nagulat na lamang ako nung may humawak sa balikat ko. "SH*T" Sigaw ko sa gulat. Nabitawan ko rin ang baso na hawak ko.

"Cheska" Shems. Si Janella lang pala. Nakita ko ring kasama niya si Hanna.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Hanna. Hinahabol ko pa rin ang aking hininga. Tumango ako. "O-Oo ayos lang a-ako" Sabi ko.

"Anong nangyari sa'yo? Kanina pa kami kumakatok. Hindi mo ba kami naririnig?" Tanong ni Janella. Umiling na lang ako.

"Tulungan ka na namin. Kunin ko lang yung walis pati dustpan" Sabi ni Hanna. Kami naman ni Janella, Pinulot namin yung ibang malalaki na bubog.

Habang nagpupulot ako, nakita ko sa isang bubog na may babae sa kisame na nagmistulang gagamba at nakabaliktad pa ang ulo. Inangat ko ang ulo ko at wala naman akong nakita.

"Cheska namumutla ka na. Halika na. Umupo ka muna. Kamu na bahala ni Hanna dito." Sabi niya sa akin.

Maya-maya, dumating na si Hanna na may dalang walis at dustpan. Winalis ni Janella yung natirang bubog at tinapon. "Oh 'wag ka muna magpapaa ha? Baka mabubog ka" Sabi niya sa akin.

Napatingin naman ako kay Hanna at naabutan ko rin siyang nakatitig sa akin. Pero maya-maya'y nag-iwas rin ito ng tingin sa akin. May problema ba?

Siguro kung mawawala sila, hindi ko kakayanin. Mahal na mahal ko sila. Hindi ko hahayaang saktan sila. Hindi man ako sigurado pero kung si Jessica man ang gumagawa ng lahat ng ito, hindi ko siya hahayaang saktan sila nito.

Tama. Aalamin ko lahat. Aalamin ko lahat ng nangyayari. Marami ng nawala. Tinignan ko muli silang dalawa. Kailangan ko nang gumalaw.

***

Nakabalik na si tatay Eddie. Ang kwento niya sa akin ay maayos na raw kaya bumalik na siya dito. Pati sina lelay nakabalik na rin. Sa wakas may kasama na kami ni Axl.

Secrets of Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon