ALEXA POV
Hingal na hingal naman akong tinignan silang tatlo napatingin naman ako kay Chloe.
"Nandito kana pala lexa"naka ngising sabi ni Jacob huminga naman ako ng malalim at lumapit kay Chloe
"Anong ginagawa mo dito?"bulong niya saakin
"Pinuntahan ka"
"Tsh..Dapat hindi kana pumunta dito ok naman ako eh tska kaya ko naman bumalik kana kasi sa room"
"Sabay na tayo pumasok ayaw ko na e bully ka nila dito"
Bumuntong hininga naman siya at tumayo hinawakan niya naman ang kamay ko. Binigyan ko naman siya ng ngiti para bang kami nasa isang pelikula na nangaganib ang buhay.
"Aalis na kayo?"naka ngusong tanong ni Tim
"Hinde ba obvious"
"Ouchhh ang sakit naman nun" napahawak naman sa puso si jasper para bang nasaktan talaga siya sa sinabi ko
Ang O.A lang muli akong tumingin kay Chloe hinila ko naman siya pero hinarangan naman kami ni Tim
"Opss..Sorry"tinignan ko naman siya ng masama
"Diba pinuntahan mo lang dito si Chloe para malaman mo kung Ok siya so she's fine pwede na siya bumalik sa room at ikaw naman ay mag stay lang dito"naka ngising sabi ni Jacob
Paano niya nalaman kung ano ang pinunta ko dito masyado na ba siyang matalino para mabasa ang nasa utak ko. Hindi ko naman siya pinansin nag hanap naman ako kung saan pwede dumaan pero kainis kahit saan naka harang tong kagwang na to sarap talaga itulak eh.
"Ano ba tumabi ka nga!"inis na sigaw ko
"AYAW-KO"inis ko naman tinapak ang paa niya
"Arayy!"tinulak ko siya tapos tumakbo palayo pero bigla may humawak sa bewang ko na bitawan ko naman ang kamay ni Chloe
Lumingon naman ako at tinignan sino ang humawak sa bewang ko.
"Lewis"bulong ko tinaasan niya naman ako ng kilay muli kong tinignan si Chloe na nakatayo sa harapan namin
"Pumasok kana susunod lang ako"naka ngisi kong sabi sakaniya
Umiling naman siya"Hindi ako papasok"
"Please.." Napatadyak naman siya
"Alexa naman"
"Please.."
Umiling naman siya"Please.."
Pumikit naman siya at dahan dahan tumalikod"Tapos na ba drama niyo?"
"Oo tapos na!"inis na sigaw ko
"Commercial break na nga eh!"Binatawan naman ni Lewis ang kamay niya sa bewang ko. Tinignan ko naman siya sa mata
"Hoyy!! Baka matunaw niyan si Lewis" tinignan ko naman ng masama si Xavier
"Uyyy..pre may gusto na ata sayo si Lexa eh"asar ni Tim
Nag tawanan naman silang tatlo maliban kay Jacob na seryso lang ang mukha at si Lewis na walang ka expression ang mukha.
Tahimik naman akong nakikinig sakanila na nag tatawananMga baliw!
Nilibot ko naman ang paningin ko at sakto nakita ko si Olie sa malayuan. Please pumunta ka dito hindi ko naman inalis ang tingin ko sakaniya baka sakali lumingon siya at makita niya ako.
BINABASA MO ANG
I'm inlove with a Badboy (COMPLETED)
RomanceIsang ordinaryong babae na pinag-tripan ng badboy. Paano kaya nahulog ang loob niya sa lalakeng ito?