CHAPTER 55

1.2K 39 0
                                    

ALEXA POV

Pagdating namin sa bahay ay bumungad naman saamin sila mom at dad. Umuwi na rin si Chloe kasi nag-alala na rin yung parents niya sakaniya.

"Oh, honey. Bakit ngayon lang kayo?"

"Tita, may sasabihin po ako."

"Dun tayo sa sala mag usap."

"Mom, magbibihis lang po muna ako." Umakyat ako sa kwarto at pumasok sa banyo.

Tinignan ko naman ang sarili ko sa reflection ng salamin. Kumuha ako ng wipes at dahan dahan tinanggal ang make up ko. Pagkatapos ko tanggalin ang makeup ko ay nag bihis na rin ako.

Bumaba ako at bigla naman ako niyakap ni mommy.

"Goshh.. Alexa."kumalas naman ako sa yakap.
"Wala ba siyang ginawang masama sayo?"

"Wala naman po mom, and also I'm fine."

"Alam ba ng mga teachers ang nangyari sainyo?"

"No, tita. Hindi po nila alam. Ayaw rin po namin masira yung program. Kaya po kami nalang ang nag hanap ng paraan, na mahanap si Alexa."
Napahawak naman sa noo si daddy.

"Ano bang ginawa ng anak ko, at siya pinag tripan nung lalake na yon?"tanong ni dad. Napatigil naman si Jacob.

This time ako naman ang liligtas sa ugok na to.

"We don't know dad and we don't him either."

"So san na yung lalake?"

"Kakatext lang saakin ni Xavier, ang sabi niya ay nasa prisinto na sila ngayon."

"Thank God, dapat talaga makulong na yan."

Pagkatapos mag-usap ay hinatid ko naman si Jacob papunta sa labas.

"Thank you, thank you for saving me again." Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko.

"Hero mo kaya ako. Kaya dapat lang iligtas kita." Lumapit naman ako sakaniya at hinalikan ang pisnge niya.
"Ohh.. Isa pa."

"Uyy, huwag kang adik."

"Isa pa pero dito na."sabay turo sa lips niya.

"Sapak gusto mo?" Ngumuso naman siya at umiling.

"I want kiss."

"No, no, no."

"Come on"

"No, Jacob. Umuwi kana, mukha kanang panda o." Natatawa kong sabi. Hinila naman niya ako at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you Alexa." Bulong niya.

"I hate you Jacob."bulong ko rin.

Kumalas naman siya sa yakap.

"Seriously?"

"Umuwi kana panda."

"Pero yung kiss."

"Ang kulit mo rin noh. Uwi kana kaw talaga."

"Sige na nga."sabay pout. Kumaway naman siya saka pumasok sa kotse. Pagka alis niya ay bumalik na ako sa bahay.

Juskoo alas singko na pala. Ugh inaatok na ako.

Pag gising ko ay may natanggap naman akong message kay Jacob.

-Jacob

I forget, bakit hindi mo sinabi sa daddy mo na I'm badboy?

I'm inlove with a Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon