CHAPTER 31

1.2K 45 0
                                    

ALEXA POV

Nag doorbell naman ang timang at binuksan naman ni manang ang pinto.

"I already told you,wala si mommy ngayon."

"Honey.."

"Eh,nandito pala eh." Lumapit naman siya saamin.
"Hi tita, good afternoon."

"Ohh..Jacob buti naman at naisip mong dumalaw dito. By the way kamusta na si Lewis?"

"He is fine tita."

"Good."

"Mom, wala kang work?"

"Wala honey."sagot niyan saakin Tumango tango naman ako.
"Mag meryenda muna kayo."

"Mag bihis po muna ako, tsaka pakainin niyo na rin yan. Baka mamaya eh mag wawala naman yan kasi gutom siya."

Tinignan naman ako ng masama ni Jacob. Binelatan ko naman siya bago Umakyat. Tinapon ko ang bag ko sa kama at tinggal ang sapatos ko.

3days nalang at birthday kona.
Humiga naman ako sa kama at tinignan ang kisame.

~~~~~~~~

"Bakit hindi mo sinama dito yung apat?"tanong ni mommy kay Jacob.

Napakamot ulo naman siya.

"Eh..Umuwi na po sila."

"Hay..its ok, by the way ngayon Saturday na pala ang 19th birthday ni Alexa. Pumunta kayo ah."

Napatingin naman saakin si Jacob.

"Woahh..Really."

"Yes, malaki na talaga ang baby girl ko."

"Mommy, stop calling me baby."

"Haha..sorry honey."
Bumuntong hininga naman ako at uminom ng juice.

Pagkatapos namin mag meryenda ay napa tambay naman kami sa sala nina mommy. Tahimik naman ako nakikinig sakanila.

"Ilang taon kana nga Jacob?"

"19 po"

"Ohh.. I see. So anong kukunin mong course pagka collage mo?"

"Engineering po"

May respeto din naman pala tong ugok na to eh. Ilang minuto ang lumipas ay umalis si mommy, at naiwan naman kami dalawa ni Jacob.

Isang buntong hininga naman ang narinig ko sakaniya. Hindi ko naman siya pinansin at pinag patuloy ang pag nonood ng palabas.


KINABUKASAN*

Bumaba ako sa kotse at sinarado ito. Napatingin naman ako sa relo ko
6:45am hmmm.. Maaga pa.
Bigla naman sumulpot sa harapan ko si Kiel. Bigla naman bumilis ang tibok ng pus ko. Dahan dahan naman siya lumapit, ako naman ay dahan dahan rin umatras, hanggang sa magdikit na ang likod sa pader.

Lumunok naman ako ng tatlong beses at tinignan siya sa mata.

"Please huwag mo akong saktan" nag mamakaawang sabi ko.

Umiwas naman siya ng tingin at huminga ng malalim.

"Nandito ako para mag apologize sayo, wala akong balak saktan ka."seryoso niyang sabi

Napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.

"I'm sorry Alexa, alam ko walang magagawa yung sorry ko. Pero ito nalang yung magagawa ko, I'm very sorry Alexa, pangako hindi na kita idadamay at guguluhin pa."

"Kiel.." Tinignan naman niya ako at gumuhit naman ang isang ngiti sa labi niya.

"Sana mapatawad mo ako, I mean kami. Sana mapatawad mo kami sa ginagawa namin." Bigla naman nag iba ang expression ng mukha niya.
"Patawarin mo ako sa gagawin ko sayo ngayon!" Bigla niya tinakip ang bibig ko ng panyo.

CHLOE POV

Ilang oras na ang lumipas ay wala pa si Alexa, nag-alala na rin ako sakaniya. Hindi ko siya ma contact. gosh!! Alexa asan ka!?

Umupo ako at tinignan yung lima.

"Try mo tawagin si tita, baka alam niya kung saan si Alexa."sabi ni Jasper.

"Wait ako ang tatawag kay tita." Sabi ni Jacob
Kinuha Naman niya yung cellphone niya.

Sana nga sana nga.

"Relax Chloe." Sabi ni Xavier tinignan ko naman siya ng masama.

"Sabi ni tita, kanina pa daw siya umalis sa bahay."

"W-what do you mean!?" Sigaw ko
"Wala naman siyang ibang pupuntahan eh, kundi dito lang sa eskwela."

Nagkatitigan naman silang lima.

"Boys, hanapin natin si Alexa."nag mamakaawa kong sabi.
Lumapit naman saakin si Lewis at tinap ang balikat ko.

"Don't worry Chloe, mahahanap rin natin si Alexa."

Pagkatapos ng klase ay agad naman namin hinanap si Alexa, si tita at tito naman ay agad nag hingi ng tulong sa police.

Kung saan saan na kami pumunta pero walang alexa ang bumungad saamin. Hindi ko naman mapigilan ang maging emotional.

Alexa asan kana??

Pagsapit ng alas syete ay hinatid na ako ni Xavier sa bahay.

"Subukan mo muli tawagan ang number ni Alexa kung sumagot siya ay tawagan mo agad kami, atsaka kailangan mo na rin mag pahinga."
Tumango naman ako at tinanggal ang seat belt ko.

"Salamat." Tinanguan naman niya ako. Bumaba naman ako sa kotse at pumasok sa bahay.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinail ang number ni Alexa pero cannot be reach parin.

"Chloe, bakit ngayon kalang?" Bumungad saakin ni mama.

"Hinanap ko po kasi si Alexa"malumay na sagot ko

"Hinanap? Bakit?"

"Kanina pa po siya umaga nawawala, hanggang ngayon ay wala parin siya. Kaya nag tulong ako na hanapin siya."

"What!! Then hindi niyo pa siya nahanap?"

"Ganun na nga po."

"Omaygod. San ba siya nawala?"

"Sa parking lot po"
Napa masahe naman siya sa noo niya.

"Juskoo.."
Huminga naman ako ng malalim. At tinignan ang cellphone ko na may isang message.

Teka teka si ALEXA..

Lumabas naman ako sa bahay at tinignan ang message.

-Alexa

Chloe..help me.

Nanlaki naman yung mata ko at dinail ang number niya pero cannot be reach naman. Agad ko naman tinawagan si Xavier.

"Hello."sagot niya sa kabilang linya

"Xavier, nag text saakin si Alexa."

"Tapos anong sabi?"

"Help me. Xavier natatakot na ako!"

"Sinubukan mong tawagan?"

"Oo pero cannot be reach."

"Aish.. Sige pupunta na kami jan."

"Sige." Binaba ko naman yung tawag at muli tinignan ang message ni Alexa


Chloe..help me

I'm inlove with a Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon