CHAPTER 33

1.2K 43 2
                                    

ALEXA POV

Pag dating ko sa bahay agad naman ako niyakap ni mommy. Kumalas naman siya sa yakap at tinignan ako.

"Wala ba silang ginawa sayo? Are you ok?"

"Ok lang po, at wala naman po silang ginawang masama saakin." Pilit ko naman ngumiti.
Lumapit naman saamin si daddy at niyakap ako.

"How are you?"

"I'm fine dad, don't worry."

"Kumain kana ba?"tanong ni mommy umiling naman ako. Hinila naman niya ako patungo sa kusina.
"Take a sit" umupo naman ako at tinignan siya kumuha ng pagkain sa ref.

Nilapag naman niya ito sa mesa at nag simula na akong kumain. Gutom na ako kanina pa ako umaga walang kain eh.

Pagkatapos ko kumain ay pumasok na ako sa loob ng kwarto. Napatingin naman ako sa sarili ko sa salamin. Tumalikod ako at kinuha ang tuwalya ko at pumasok na ako sa banyo.

Humiga naman ako sa bathtub at inaalala ang mga nangyari kanina.

"Pangako hindi kana namin guguluhin, pero sa 19th birthday mo gusto kong dumalo, kahit sa birthday mo nalang. Pagkatapos nun hindi na kita guguluhin, hindi ka namin guguluhin. Babalik kana sa dating buhay mo, yung walang badboy na sasagabal sa buhay mo. Sana pagkatapos nito ay maging masaya kana. Pasensya muli sa ginawa namin."

I hate you so much Jacob!

KINABUKASAN

"Ingat ka." Ngumiti naman ako kay mommy at tumango. Sinarado ko naman ang pinto at pumasok sa loob ng campus.

Napatigil naman ako at tinignan ang tambayan nung lima, kung noon pag pasok ko dito ay sila ang bumubungad saakin ngayon ay wala na. Nakakamiss din pala sila, even  I hate them.

Huminga naman ako ng malalim at hinawakan ng mahigpit ang straps ng bag ko.

Pagdating ko sa room ay agad naman akong niyakap ni Chloe.

"I miss you so much bess."bulong niya. Kumalas naman siya sa yakap at tinignan ako.

Bigla naman pumasok si ser Joe.
Kaya nag si upuan na kami.

"Oh, Alexa how are you?" Nanlaki naman yung mata ko sa tanong ni ser. Teka alam niya yung nangyari saakin?
"Alexandra."

"Umm..I'm fine sir."

"Good, maya nalang tayo mag usap." Tumango naman ako "So let's start our class."

Nagsimula naman siya mag discuss.

RECESS

Umupo naman kami at kumain, ilang minuto na ang lumipas ay walang badboy ang sumulpot sa harapan namin.

"Uy, bess ok kalang? Kanina mo pa hindi ginagalaw ang pagkain mo" Inangat ko naman yung paningin ko at nginitian siya.

"I'm fine bess, don't worry."
Nginusuan niya naman ako.

"By the way asan kaya yung lima?"
Nakibit balikat naman ako.

"I don't know."

Pagkatapos namin kumain ay napadaan naman ako sa c.r.
Napahilamos naman ako at tinignan ang sarili ko sa salamin.

"COVER YOUR EARS IDIOT! PLEASE!"

"Your safe lexa don't cry."

"What the hell a balloon! Your not a kid anymore Alexa, kung lumipad naman huwag mona habulin pa, ma didisgrasiya kalang sa ginagawa mo eh"

Naramdam ko nalang ang pag tulo ng aking luha.

Why? Why I am crying?

Agad ko ito pinunasan at lumabas sa c.r. Napahinto naman ako at tinignan si Jacob na naka poker face na nakatingin saakin.

Lumapit naman siya saakin at hinawakan ang pisnge ko.

"Umiyak kaba?" Umiwas naman ako ng tingin.
"Huy, Alexa!"

Tinanggal naman niya yung kamay niya sa pisnge ko. Muli ko siya tinignan sa mata. Huminga naman siya ng malalim at tinignan ako.

"Bukas na pala ang kaarawan mo, last day, last asaran with you." Naka ngisi niyang sabi. Ilang minuto pa kami nagkatitigan. "Time na, pumasok kana. See you around."

Tumalikod naman siya at naglakad palayo. Tumalikod naman ako at kinagat ang aking labi, pinigilan ko naman ang pag tulo ng aking luha. Bakit kaba nagka ganito alexa, dapat maging masaya ka kasi wala nang mang-gugulo sayo. Pero bakit ganito? Ang sakit sakit!

Pumasok ako sa room at sinubsob ang ulo ko sa mesa.


LUNCH*

"Bess, tara na." Tumayo naman ako at inayos ang sarili ko.

Pagdating namin sa lunch ay bumungad naman saamin ang lima. Napatitig naman ako kay lewis na walang ka expression ang mukha. Umiwas naman ako ng tingin.

"Buti naman at sumulpot pa kayo hehehe." Sabi ni Chloe nginusuan naman siya ni Xavier

"Let's go"sabi ni Tim sumunod naman kami sakaniya.

Umupo ako at pinatong ang siko ko sa mesa.

"Bukas na pala ang birthday mo." Sabi ni Jasper ngumiti naman ako at tinanguan siya.

Bukas na ang kaarawan ko, bukas ang huling pagsasama natin, bukas ang huling asaran, bukas ang huling kulitan... Pagkatapos nun ay wala na.

"Lexa!! Are you listening!" Bumalik naman ako sa reyalidad nung sigawan ako ni Jasper.

"Ahhh, ano ba yung sinasabi mo?"

"Sabi ko, anong oras ang party mo bukas?"

"Umm..6:00pm" tumango tango naman siya.
Lumunok naman ako at simulan nang kumain.

"Ok, pass your paper." Pinasa ko naman ito. "See you tomorrow, class dismissed." Umalis naman si ser kaya.

"Alexa." Inangat ko naman yung paningin ko at nag tama naman ang paningin ni sir Joe.

Naalala ko naman yung sinabi niya kaninang umaga kaya agad akong tumayo at lumapit sakaniya. Ilang minuto pa kami nag usap ni ser joe, well tungkol naman sa nangyari saakin. Pagkatapos nun ay pina uwi na ako ni ser.

Lumabas naman ako at hinanap ang kotse ko.

Hay..mabuti naman at safe to dito.

Pumasok ako sa kotse at sinarado ang pinto.

Pagdating ko sa bahay ay laking gulat ko naman makita ang kababata kong kaibigan na si Hunter.

"Nandito na pala ang birthday girl." Sabi ni mommy lumingon naman si hunter at nag tama ang paningin. Binigyan niya ako ng isang ngiti.

Lumapit naman ako sakanila at bigla naman ako niyakap ni Hunter.

"I miss you."bulong niya
Tumawa naman ako ng mahina. Kumalas ako sa yakap at tinignan siya.

"Ang gwapo mo parin ah."

"Thanks."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Edi dinalaw ka" ginulo ko naman ang buhok niya.

"Asus.. Mom, pwede po ba dito nalang gawin sa house yung birthday ko."

"Kung yan ang gusto mo edi sige."

"Thanks mom."

"O siya maiwan ko muna kayo, alis muna ako."
Tinanguan ko naman si mommy.

"Bihis muna ako." Sabi ko kay hunter.

I'm inlove with a Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon