CHAPTER 39

1.3K 45 0
                                        

TIM POV

"Huy, tara. Nandun sina Alexa sa plaza o." Sabi ko sa apat.

Ang bagal bagal kasi.

"Tsh, e ano naman kung nandun si Alexa!"inis na sabi ni Jacob.

"Ano bang problema mo? Kanina kapa high blood."

"Ishh, wala." Nginusuan naman siya.

"Tara na nga."

Lumabas kami sa building at pinuntahan ang dalawa.

"Buti naman at naisip niyo kami puntahan rito." Sabi ni Chloe.

"Buti naman at naisip mo lexa na hindi siya isama sainyo ngayon!"napahinto naman si Jacob sa pag salita.

"Problema mo saakin jacob!" Sigaw ni lexa.

"Wala!"

"Ang ingay niyo!"inis na sabi ko.

"Yan, dapat yung pagalitan mo. Di ko naman siya inaano ah." Sabay turo kay Jacob. Inikot naman ni Jacob yung mata niya.

Ano naman kaya nakain nito at galit naman. Kanina okay naman siya, pagkatapos ng lunch puro mura nalang yung naririnig namin galing sakaniya. Napapaisip nga ako kung nag drugs pa tong gonggong nato e.

Umupo naman ako sa harapan nila. Hindi ko naman maiwasan tinignan ang mukhang tigre na lalake.

May sira talaga ulo nito.

"Kain tayo."yaya ni lexa

"Kumain ka ng iyo." Sabat ni Jacob
Tumayo naman si Alexa at tinignan siya masama.

"Ano bang problema mo! Kanina kapa! Hindi naman kita inaano!"

"Anong hindi inaano ka jan!"

"Pre, may popcorn ka?" Bulong ni Jasper tumawa naman ako sa sinabi niya.

"Kainis ka!"sigaw ni alexa.

"Mas nakakainis ka alam mo ba yun?!"

"Hindi ko alam Jacob!!"

"Bahala ka sa buhay mo!"inis na umalis si Jacob.

"Bahala ka rin sa buhay mo!!" Hingal na hingal naman umupo si Alexa.
"Ano naman nakain ng kaibigan niyo at nagka ganon yun?" Nakibit balikat naman ako.

~~~~

Umupo ako sa kama at bigla naman tumunog ang cellphone ko.

Jacob calling..

Napangisi naman ako at sinagot ito.

"Huy!!"nilayo ko naman ang cellphone sa tenga ko. Nakaka bingi.

"Bat kaba sumisigaw!"inis na sabi ko

"Hays, may itatanong lang ako."

"Ano yun?"

"May gusto ka bang babae? I mean may crush ka?"

Napakamot ulo naman ako.

"Oo bakit?"

"Naranasan mona ba mag selos, yung nakita mo may kasama siyang iba. Tapos bigla kanalang mainis, at mawawala ka talaga sa mood?"

I'm inlove with a Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon