CHAPTER 48

1.2K 41 6
                                    

ALEXA POV

"Pag ako talaga nakawala rito sasakalin talaga kita."

"Yan lang."natatawa niyang sabi.

"Ohh, anong meron dito." Napalunok naman ako at humarap.

"M-mom."

"Hmm..kayo ah. Ano meron? Ano?" Agad naman akong tumayo buti nga ay hindi na ako hinila nitong tukmol.

"Ah."takte ano bang sasabihin ko.
Tumingin naman ako Jacob.
"Tangina tulungan moko."bulong ko. Ngumisi naman siya "Bwiset ka huwag kang ngumiti ngiti jan. Lutasan mo tong problema."

"Ah, tita nag p-practice po kasi kami."

"Practice?"

"Para sa Js, nag cotillion kasi kami dalawa. Nahihirapan rin po kasi dun sa step na umupo sa tuhod."

"Ay ganun ba."

"Y-yes mom."

"Tita can I ask?"

"Sure, ano ba yun?"
Tinignan naman niya ako. Takte anong gagawin nito.

"Balak ko po kasi ligawan to si Alexa, gusto ko rin po mag paalam sa inyo. Kung pwede?" Nanlaki naman ang mata ni mommy. Kinurot ko naman ang braso niya.
"Aray!"

"Omaygoshh, Jacob. Really?"

"Opo tita hehe.. Kung papayag po kayo."

"Aba sino naman ang hindi papayag."

"Woah. So tita pumapayag na po kayo na ligawan ko si lexa?"

"Yes,yes." Tumingin naman siya muli saakin.

"So paano na yan lexa, pumayag si tita." Nginusuan ko naman siya.

"Ang sweet niyo."

"Mommy stop that."

"Kinilig lang naman ako sainyo."

"Mommy, diba pupunta po kayo sa work?"

"Ay oo nga, oh Jacob ikaw na bahala kay Alexa ah."

"Opo tita don't worry yung dalawa kong mata sakaniya lang focus."tumawa naman si mommy.

"Okay, bye." Napa hinga naman ako ng maluwag.

"San pala daddy mo?"

"Ayun, umuwi sa states."

"Why?"

"Dinalaw niya si lola." Tumango tango naman siya. "Hindi kaba ginugutom?"

"Gutom na nga e."

"Tara sa kusina." Dumerecho naman kami dalawa sa kusina.

"Magandang umaga."bungad saakin ni manang.

"Magandang umaga rin po manang."

"Osya mag breakfast na kayo."Umupo naman kami dalawa at nag simula na kumain.

"About dun sa cotillion?"tanong niya saakin.

"Ano naman yun?"

"Hays, kanina diba yung palusot ko. So paano na sasali na talaga tayo nito."

"No, hindi ako marunong sumayaw."

"Ohh, really yun pala birthday mo tska sa beach anong tawag dun?"

"Kendeng kendeng lang."

"Sali na kasi tayo."

"Hay. Huwag na nakakapagod mag practice."

"Sige sabi mo e."

Pagkatapos namin mag breakfast ay muli kami bumalik sa sala para manood ng palabas.

"Alis muna ako."

"San ka pupunta?"

"Sa labas. Babalik rin ako." Tinanguan ko naman siya. Tapos nun ay umalis na siya naiwan naman ako mag isa rito sa sala.

San ba kasi siya pupunta?

Napatingin naman ako sa wall clock.
10:35am. Sinandal ko naman ang ulo ko sa sofa. Isang oras na ang lumipas ay hindi parin bumalik ang timang.

Baka umuwi na yun. Hay bahala na nga. Tatayo na sana ako ng marinig ko ang boses ni Tim.

"Wassup lexa." Lumingon naman ako.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

"Sinamahan si jacob."

"Sorry ngayon lang ako, nag shopping pa kasi tong timang e." Ngumiti naman ako.
"Binilhan pala kita ng toron."

"Waaahh. Salamat." Inabot naman niya saakin at kinuha ko naman ito.

"Favorite mo pala ang toron?"

"Yes. Osya maupo muna kayo dalawa."

"Hay, salamat." Umupo naman sila dalawa.

"Anong gusto niyong inumin? Tubig or soft drink?"

"Tubig lang lexa."sagot ni Tim.
Umalis naman ako at nag tungo sa kitchen kumuha naman ako ng pitchel at baso. Tapos bumalik na ako sa sala.

Nilapag ko naman ang pitchel at baso sa mesa. Uminom naman si Tim. Umupo naman ako at tinignan silang dalawa.

Napasulyap naman ako kay Jacob. Napansin ko naman ang kaniyang namumugay na mata. Mukhang pagod na pagod tong tukmol na to ah.

"Ay, Tim. Pwede moba ako tulungan mag luto para pang tanghalian natin?"

"Oh,sure."

"Tutulong na rin ako."

"Naku huwag na Jacob, mag pahinga ka nalang jan. So tara na Tim."

Dumerecho naman kami dalawa sa kusina.

"So anong lulutuin natin?" Binuksan ko naman ang ref nag hanap ng maluluto.

Hays, manok nalang.

Kinuha ko ito at nilapag sa mesa.

"So ano gusto mo gawin natin jan fried or adobo?" Tanong ko.

"Fried."

Nag simula naman kami dalawa mag luto. Muli ako bumalik sa sala para tignan si Jacob. Hindi ko naman mapigilan mapa ngiti nang makita ko siya na naka higa sa sofa.

~~~

"Mukhang pagod na si Jacob ah."

"Oo nga e. Kanina pa niya gusto bumalik rito. Pero hindi niya mapigilan hindi ako samahan mag shopping e."

"Ganon ba." Natatawa kong sabi.

"So ano gisingin na natin yun?"umiling naman ako.

"Hayaan mo muna yun mag pahinga. Tayo nalang muna ang kakain dito."

"Sige."

JACOB POV

Nagising ako sa tawa ni Tim. Tangina talaga tong lalake na to oh. Dinilat ko naman ang mata ko at umupo.

"Gising kana pala."naka ngising bungad saakin ni lexa.

"Ang ingay e. Teka bakit ba ang ingay mo Anderson!"

"Aba, Bahala ka nga jan Harris."

"Gutom kana ba?" Tumango naman ako.

"Punta kanalang sa kitchen, tapos na kasi kami kumain ni Tim. Tska nakalapa--
Hindi kona tinuloy yung sasabihin niya agad kong hinablot ang kamay niya at dinala siya sa kusina.

"J-jacob."

"Feed me."

I'm inlove with a Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon