ALEXA POV
"We are here" masayang sabi ni Jasper. Bumaba naman kami at bumungad naman saamin ang malamig na simoy na hangin.
"Welcome to Reyes beach resort" si Xavier.
"Let's go"sabi ni mommy
~~~~~
Naglakad lakad naman kami ni Chloe sa tabi ng dagat.
"Bess, Hindi kaba nilalamig?"
"Hindi naman bess, eh ikaw?"
"Hindi rin"naka ngisi niyang sagot.
Umupo naman kami at tinignan ang mga bituin. Napatingin naman ako sa relo ko its already 6:25pm.
Napahilamos naman ako sa mukha ko.
"Bess balik na tayo, baka hinanap na tayo ni Tita"
"Mauna kana, sunod lang ako"
"Juskoo, bess wala kang kasama rito"
"Huwag kang mag-alala"naka ngisi kong sabi Tumango naman siya at umalis.
Naiwan naman akong mag-isa. Nilalamig na ako naka short lang kasi ako eh. Napa yakap naman ako sa sarili ko at tinitigan ang alon.
Ang sarap sa feeling yung ganito yung kasama ko sila. Nakakawala problema and I feel so relax. Sana ganito palagi.
"What are you doing here?"walang gana tanong nung tukmol lumingon naman ako at tinignan siya.
Lumapit naman siya saakin at umupo sa tabi ko. Umiwas naman ako tingin.
"Nag papahangin lang naman ako, eh ikaw anong ginagawa mo dito?"
"I'm just walking around then I saw you here" bumuntong hininga naman ako at tumango tango. Kita ko naman siya sa gilid ng mata ko.
Goshh..Lewis stop staring at me!
Bigla naman niya hinila yung tali sa buhok ko.
"Bakit mo tinanggal ang tali ng buhok ko?!"
"Huwag kang mag puto"
"At bakit naman?"
"Hindi bagay sayo"
"Anong hindi bagay"
"Kitang kita yung leeg mo sira"
Napa kamot ulo naman ako."Eh ano naman?"
"Nakaka attract"sersoyong sagot niya.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko. What the heck is happening to me. Ilang minuto pa kami nagkaka titigan, pumikit naman ako at tumayo.
"Bumalik na tayo"
"Why?"
"Giniginaw na ako"
Tumayo naman siya at sumunod saakin.Hindi naman mawala sa ang kalbog ng puso ko feeling ko na mumula yung pisnge ko eh. Paksyet ka talaga lewis.
Pagdating namin sa cottage ay wala sila. Nilibot ko naman ang paningi. Ko.
"Asan sila?"tanong ko
Nakibit balikat naman siya.
"I don't know"Matawagan nga sila. Kinapa ko naman ang cellphone ko sa bulsa. Paksyet naiwan kopala sa hotel yung phone ko.
"Dala mo phone mo?"
Umiling naman siya.
"Tara hanapin nalang natin sila sa hotel"Naglakad naman kami patungo hotel pero wala parin sila. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko dinail ko naman ang number ni Chloe.

BINABASA MO ANG
I'm inlove with a Badboy (COMPLETED)
RomanceIsang ordinaryong babae na pinag-tripan ng badboy. Paano kaya nahulog ang loob niya sa lalakeng ito?