TIM POV
So ayun nag date ang dalawa. Pagod na rin ako ang dami kasi pinapa jail booth saakin. Ang hirap talaga pag gwapo noh. Si lewis nga ay asar na asar na kakalabas lang niya sa room ay papasok muli siya dahil may ka jail booth naman siya. E ako kayang kaya ko. Yung dalawa naman ay hindi ko alam kung saan napadpad yon.
Bigla naman may humila at pumiring saakin. Heto naman tayo. Dinala naman ako kung saan neto. Tahimik lang akong nakatayo dito dikoalam kung nasan ako. Bigla nalang may kamay nilagay sa balikat ko. Osyett Dance booth to. Wala naman akong ginawa kundi ilagay ang kamay ko sa bewang nitong unknown girl.
Ilang oras ang lumipas ay tapos na. Napa upo naman ako sa gilid at tinignan ang mga kasama ko.
"Nakakapagod."sabi ko.
"Kaya ayaw ko maging gwapo e."reklamo ni Xav.
"Teka san kaba galing."
"Una, sa jail booth sunod dancing booth tapos wedding booth. Tuwang tuwa naman silang ikinasal saakin." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Buti pa ako di ako kinasal, e ikaw naman jasper."
"Ganun din. Pagod rin ako."
"Oh, ikaw Jacob ilang babae ba naka date mo?"
"Diko mabilang."sagot niya. Natawa naman ako. Hayy juskoo ang hirap talaga pag ganito noh.Pero na enjoy naman ako. Kaya Okay lang.
Nung tumunog ang bell ay lumabas naman kami para mag recess. Pagdating namin sa canteen ay nandun na ang dalawa.
"So musta mga pogi? Nakayanan ba?"
"Oo naman kami pa."sagot ko kay Chloe. Ngumisi naman si Chloe at tinanguan ako.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa silid namin. As usual hindi naman ako nakikinig. Tinatamad talaga ako ngayon. Pagkatapos ng klase ay nag lakad naman ako sa town mag isa. Like I want to be alone for now. Umuwi na rin yung lima ako naman heto.
Blagg*
"I'm sorry.. I'm sorry."sabi nang isang babae. May pinulot naman siya kung ano sa sahig. Ako naman ay naka tayo at tinitigan siya.
Tumayo naman siya at inayos ang buhok niya. Napanganga naman ako sa kagandahan nito. Simple lang ang kaniyang ka suotan, mahaba ang buhok niya at mahaba rin ang pilik ng kaniyang mata.
"Umm..excuse me."bumalik naman ako sa reyalidad nung tinapik niya ang balikat ko.
"Uh yes?"
"I just want to say sorry. Hindi kita kasi nakita."
"No, its okay. Btw studyante kaba?"
Tumango naman siya."I'm a student from CU."
"Caltex?"
"No, its Clark. Taga caltex ka noh." Tumango tango naman ako. "Kita ko nga."
"Huh?"
"Sa uniform mo."napa kati naman ako sa ulo ko. Oo nga naman tama naman siya.
"Hindi ko pa pala naitanong ang pangalan mo. Ano bang pangalan mo?" Ngumisi naman ito. Syett she's so cute.
"I'm Zamie Jade."nilahad naman niya ang kamay niya "And you are?" Hinawakan ko naman ang kamay niya.
"I'm Tim."
"Ohh..Nice meeting you Tim." Tinanggal naman niya ang kamay niya.
"So san kaba pupunta. At parang nag mamadali ka?"
"Cafe."maikli niyang sagot.
Nag ring naman ang cellphone niya.
Napatingin naman siya saakin."Boyfriend mo?" Tumawa naman siya at umiling.
"Ano yan? Nakakain ba yan?"natatawa niyang sabi.
"Kaibigan ko to si Mia. I guess naiinip na yon sa kakahintay saakin.""Oh, sorry. You can go now."
"See you when I see you Tim, I'm sorry again." Ngumiti naman siya at umalis. Naiwan naman akong tulala. Gosh that girl is soooooo.. Beautiful.
Napahawak naman ako sa puso ko.
I'm inlove!Kinabukasan ay masaya akong pumasok sa school ewan ko kung bakit. Basta masaya ako.
"Pre, may e kwekwento ako sainyo." Sabi ko sa apat. Napataas naman ang kilay ni Lewis.
"Wala naman sense yan."reklamo niya.
"Can you just listen!"
"Okay."
"Kahapon, may nakabangga akong chix. Grave ang ganda niya taga Clark siya ang pangalan niya ay Zamie Jade. Grave pre, na love at first sight ako."
"Edi ligawan mo."sabi ni Jasper.
"Gusto ko pa siya makilala noh. And beside gusto ko muli siya makita. Kahit kayo mapangaga pag nakita niyo yon. Ang ganda talaga niya pre, kahit sa pag tulog ko hindi parin siya mawala sa isip ko."
"Mas maganda pa si Alexa dun."
"Oo na Jacob. Loyal kana."tumawa naman siya. "Pero seryoso ako ngayon mga pre. Tulungan niyo naman ako."
"Okay. If that's what you want."
"Thank you lewis."
Damn. Gusto ko muli makita yung babae na yon.
BINABASA MO ANG
I'm inlove with a Badboy (COMPLETED)
RomanceIsang ordinaryong babae na pinag-tripan ng badboy. Paano kaya nahulog ang loob niya sa lalakeng ito?