CHAPTER 43

1.2K 43 8
                                    

JACOB POV

"Ikaw ba lewis. Na fall ka narin ba kay Alexa?"tanong ko.

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya sumagot sa tanong ko. I'm just curious dahil feeling ko na fall rin siya. Na fall rin siya taong gusto ko. Ibang klase talaga na pagka babae si alexa e.

"Bakit mo naman naisip tanungin yan saakin?"walang gana niyang tanong saakin.

"Curious lang ako. Tska sagutin mona kasi."

"Paano pag sabihin ko oo." Nanlaki naman yung mata mo sinabi niya.

"May gusto ka rin kay Alexa?"hinde makapaniwalang tanong ni Jasper kay Lewis.

"Yes."

"Hanggang ngayon?"tanong naman ni Tim.

"Yes."

"Putchaa..love triangle." Natatawang sabi ni Tim. "Isali niyo na rin si Olie. Hahaha.."

Nagunot naman ang noo ko sa sinabi ni Tim.

"Olie?" Napahamak naman siya sa bibig niya.
"Wait. May gusto rin si Olie kay lexa?"
Tumango naman siya.

"Waaah..dami mong karibal jacob." Sabi ni Xavier.

"Lewis plus Olie plus Jacob equals to Love triangle."

"Tumahimik ka Tim. Ang love triangle dalawa yung lalake." Sabat ni Jasper.

"Paano na yan?"tanong ni Tim.

"Matagal konang pinaraya si Alexa kay Jacob," sabi ni Lewis.

"Ouch, sakit." Asar nung dalawa si Tim at Xavier.

"It's okay. Tanggap ko na hinde talaga para saakin si Alexa. Kaya pinaraya kona siya sayo Jacob." Napatigil naman ako.

Hinde ko alam kung anong sasabihin ko. Kung mag papasalamat ba ako or magalit sakaniya. Ayaw ko rin masaktan si Lewis. Pero bakit ba kasi si Alexa! Bakit pa siya. Dumating naman si ser. Kaya nag si tigilan kami.

Ilang oras ang lumipas ay wala talaga ako naintindihan sa pinagsasabi ni ser. Sa guro nga ako nakatingin pero yung utak ko ewan. Hanggang sa matapos na ang klase lutang parin ako. Napasubsob naman ako sa mesa. I feel so tired. Hinde ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Tara na." Inangat ko naman ang ulo ko. "Okay kalang?" Tanong saakin ni Xavier. Tumango naman ako.

Tumayo naman ako at kinuha ang bag ko.

"So ano brad itutuloy paba natin yun?"bulong saakin ni Xavier.
Huminga naman ako ng malalim.

"Simulan na natin, kaya tuloy natin."sagot ko.

"Kaya crush kita e."

"Shut up xavier!"

ALEXA POV

"Mag ka mukha talaga sila ni Xavier e." Sabi ko kay Chloe.

Kanina pa kami nag babangayan dahil lang kay Sandie at Xavier.

"Hay, ewan ko sayo bess. Basta ang alam ko ay only child lang yan si Xavier. Tska ano rin ba yung connection kung magka mukha sia."

Nga naman ano naman yung connect nila. Bahala na nga yun. Sumasakit lang yung utak ko e.

"Tska bess, bagay sila ni Jacob."

"Hinde nuh."tangi ko.

"Bakit naman?"

"Maganda si Sandie tska mabait tapos mahuhulog lang siya sa badboy tulad ni Jacob."

"Pero hinde mo masasabi. Pwede rin mag bago si Jacob."

"Pero hinde parin ganun yun."inis na sabi ko.

"Nag seselos kaba?"

"Huy! Pinagsasabi mo. Para yun lang mag seselos ako. No way."

"Asus.. Kanina kapa nagka ganyan e."

"Chloe!"

"Oo na, hinde kana nag seselos." Nginusuan ko naman siya.
"Nandito na pala sila e."

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko. The heck bakit?bakit? Ganito yung nararamdaman ko? Hindi ko naman maiwasan hindi mapatingin kay Jacob. Tanginang ngiti yan jacob!!

Ughh!! Lexa. Anyare sayo. Muli ko tinignan si Chloe. Na nakatingin saakin.

"Ikaw ha."

"Huh?"

"Wala."

Dumating naman ang lima. Umupo naman sa tabi ko si Tim.

"Asan si Sandie?"tanong ni Chloe.

"Nasa room pa e. Di pa kasi tapos yung class nila." Sagot ni Jacob.
Umupo naman ang apat.

Tahimik naman akong nakikinig sa pinag-uusapan nila. Hanggang sa dumating na ang topic kay Sandie.

"Syota mo ba si Sandie Jacob? Well curious lang naman ako." Tanong ni chloe.

"No Chloe. Kaibigan lang kami ni sandie."

"Pero alam mo bagay kayo."

"Di naman."
Bigla naman tumunog ang cellphone ni Chloe.

"Excuse me." Tumayo naman siya at umalis. Naiwan naman kaming anim dito. Isang buntong hininga naman ang narinig ko galing kay Tim.

"So musta na lexa?"tanong niya.

"I'm fine Tim."sagot ko.
Tumango tango naman siya.

"Oh, nandito na pala si Sandie." Inangat ko naman ang paningin ko.

Now she's here hmm..

"Hi, guys. Sorry I'm late."

"Its okay sandie." Sabi ni Jacob. Ngumiti naman siya at umupo sa tabi ni Jacob.

"Oh, hi alexa. Asan si Chloe?"

"Umalis may tumawag kasi sakaniya." Tinanguan naman niya ako.

Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na si Chloe.

"Bess, I have to go na. May emergency kasi sa bahay." Tinapik ko naman ang balikat niya.

"Sige bess."

"Sorry ah, di kita masamahan."

"Juskoo. Okay lang yun. Ang importante ay maka uwi ka. Sige na baka kailangan kana dun ng mama mo." Ngumiti naman siya at nag paaalam sa boys. Pagkatapos niya mag paalam ay agad na siyang umalis.

Hay. Ako naman mag isa dito. At kasama ko pa tong couple. Hays. Buhay nga naman.

"Sasamahan mo pa ako mag mall ngayon."

"Oo naman."sabay gulo sa buhok ni sandie. Kitang kita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag titig saakin ni Tim.

Problema niya?

"Mauna na ako ah," paalam ko.

"Aalis kana?"tanong ni Jasper.

"Oo e."napatingin naman ako kay Jacob. Tapos umalis na ako.

Aishh..nakakainis!!

Pagdating ko sa parking lot at napa upo naman ako sa gilid ng kotse ko.

"Lexa." Dahan dahan ko naman inangat ko yung ulo ko.

"Olie." Napatayo naman ako at tinignan siya.

"Anong ginagawa mo jan?"
Napakamot ulo naman ulo naman ako.

"Ehh..ano kasi."

"Umuwi kana. Mag aalas singko na o." Ngumiti naman ako sakaniya.

"E ikaw?"

"Pa uwi na rin ako."

"Sige Olie."
Kumaway naman ako sakaniya. Tapos pumasok na ako sa kotse.

"Mag Ingat ka."

"Ikaw rin." Tapos pinaharurot kona ang sasakyan ko.

I'm inlove with a Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon