CHLOE POV
"Alis muna ako."paalam ko sakanila.
"San ka pupunta?"tanong ni Xavier saakin.
"Maglalakad lang sa gilid ng dagat."
"Sama ako." Tumayo naman siya at sinuot ang kaniyang tsinelas. Tinukso naman nila kami.
Hay nako.
Umalis kami sa cottage at naglakadlakad.
"So san ka mag cocollege?"tanong niya.
"Di pa ako sure, pero sabi ni dad baka sa states daw ako papa aralin."
"Edi iiwan mona si Alexa at kami."malungkot niyang sabi. Tinignan ko naman siya.
"Magkikita pa naman tayo xav."
"Iba parin pag nakikita tayo palagi."
Napatigil naman ako sa sinabi niya.
"Oh bat natahimik ka?"tanong niya. Bumuntong hininga naman ako at tumigil sa paglalakad.
"Upo muna tayo."Sabi ko tumango naman siya at umupo. Umupo naman ako sa tabi niya.
"Chloe. Bakit until now wala ka parin jowa?"tanong niya.
Gunot noo ko naman siya tinignan.Ano naman trip nitong lalaki.
"Kasi ayaw ko pa. Eh ikaw bakit hanggang ngayon wala ka paring syota?"may pagka asar na tanong ko sakaniya.
"Kasi ayaw mo pa." Nanlaki naman yung mata ko sa sagot niya. Tumingin naman siya saakin at nginitian ako.
"Baliw kaba!"inis na sabi ko.
Pinag tritripan naman ako nito kainis naman Xav. Bakit bumilis ang talbog ng puso ko? Tangina naman Chloe pa fall talaga tong lalaki na ito e. Pero nahh... nevermind pinag tritripan kalang niyan.
"Matagal na Chloe."
"Buti naman alam mo."mataray kong sabi.
"Oo nga, buti nga alam ko na matagal na akong nababaliw sayo."seryoso niyang sabi. Napakagat naman ako sa labi ko.
Ano ba trip mo Xav!!
"Tara na balik na tayo sa cottage."Sabi ko tatayo na sana ako ng bigla siya mag salita.
"Hindi kaba naniniwala?"
"Huwag moko pag tripan Gomez hindi ako natutuwa."
"Do you think pinagtritripan kita? Hindi ba halata na mahal na kita Chloe?"
Napatigil naman ako sinabi niya.
Gusto kong umiyak gusto kong mag walk out. Naiinis na ako hindi ko alam kung ano ang gagawin ko."Wag mo ako pagtripan xav!"
"Hindi nga kita pinagtritripan. Hindi ko naman ginusto na mahulog sayo. Mag kaibigan kasi tayo kaya hindi kita dapat mahalin! Pero nakakagago! Nahulog ako sayo."
"Xav."
"Gusto kita Chloe. And I'm sorry, alam ko naman na ayaw mo saakin kasi playboy ako badboy ako."
Hindi naman ako nakapag salita hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tumayo naman siya.
"Tara balik na tayo sa cottage, kalimutan mona yung mga sinabi ko."seryoso niyang sabi napamulsa naman siya at nauna saakin.
Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
Tumayo ako at sumanod sakaniya. Pagdating namin sa cottage ay masaya naman sila nag lalaro ng truth or dare."Oh,sali kayo."Sabi ni Jasper. Tumingin naman ako kay Xav na kanina pa hindi kumikibo.
Tumango naman ako at umupo sa tabi ni Lewis. Nag spin ang bottle at sakto kay Xavier tumama.
"Ohhh..sakto."nagtawanan naman si Jasper at Tim.
"Truth or Dare?""Truth."walang gana niyang sabi.
"Yieee..may gusto kaba kay Chloe?" Napatingin naman siya saakin. Ang lungkot,lungkot ng mga niya.
Ano bang ginawa ko?
"Hindi."maikli niyang sagot.
"Weeehhh??"tukso nila.
Hindi naman siya nag salita.Nagpatuloy kami sa paglalaro hanggang saakin na tumama.
"Truth or dare?"
"Dare."sagot ko.
"Hug mo si Xav."utos ni Tim. Tinignan ko naman si Xavier.
"Gawin mona now na."Lumunok naman ako at tinitigan parin siya kahit malayo ang kaniyang tingin.
"Pag hindi mo ginawa may gusto ka kay Xav yieee.." huminga naman ako malalim at lumapit sakaniya. Napatingin naman siya saakin.
Ganun parin itsura niya walang ka expression.
"Hug daw kita."Sabi ko. Tumango naman siya. Kaya naman niyakap ko siya.
Tapos bumitaw naman ako sa yakap.
Bumalik ako sa upuan ko."Anong nangyari sa inyong dalawa?"biglang tanong saakin ni Lewis.
"W-wala naman."sagot.
"Don't lie to me Chloe. Mind to share?"
"Ano naman i-shashare ko sayo?"
"Kung ano ang nangyari sa inyong dalawa ni Xavier." Tumawa naman ako ng mahina.
"Wala nga Lewis." Nagunot naman ang noo niya.
"Okay, hindi naman ako mamalit pag ayaw." Ngitian ko naman siya.
Pagkatapos ng laro ay nag dinner na kami. Pagkatapos namin mag dinner ay pumunta na kami sa aming mga kwarto. Ako lang mag isa sa kwarto ko. Humiga ako sa kama.
Bakit ganon? Ang akward na namin ni Xav. Nakakainis naman.
"Hindi nga kita pinagtritripan. Hindi ko naman ginusto na mahulog sayo. Mag kaibigan kasi tayo kaya hindi kita dapat mahalin! Pero nakakagago! Nahulog ako sayo."
Napahawak naman ako sa ulo ko.
Syeettt ano ba!!"Tara balik na tayo sa cottage, kalimutan mona yung mga sinabi ko."
Pinikit ko ang aking mata at pinilit na agad maka tulog pero hindi parin ako maka tulog. Pa iba iba na ang ginawa kong posisyon para makatulog lang ako. Kaso hindi talaga ako makatulog, naiinis na ako ahh!!
Napatingin naman ako sa cellpone 12:30 na. Mayghad. Tumayo ako at napasilip sa bintana. Nahagip naman ang aking mata si Xavier na naglalakad sa gilid ng dagat.
"Hindi pa siya natutulog?"tanong ko sa sarili ko. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko ngayon, tinignan ko parin siya.
~~~~~~~
"Uy xav samahan mo nga si Chloe kunin ang mga drinks sa restu."utos ni Jacob.
Gunot noo naman siya tumingin saakin.
"Ay wag na kay Lewis nalang ako magpapasama."ngumiti naman ako umalis nakaka awkward ewan koba kung bakit.
"Lewis samahan mo naman ako oh. Kunin yung mga drinks." Tinaasan naman niya ako ng kilay. Sungit naman. Tumayo naman siya at nauna saakin.
Ngumuso naman ako at hinabol siya.

BINABASA MO ANG
I'm inlove with a Badboy (COMPLETED)
RomanceIsang ordinaryong babae na pinag-tripan ng badboy. Paano kaya nahulog ang loob niya sa lalakeng ito?