~Kim Jongin~
"Hoy Kai! San ka pupunta?! Hindi diyan yung sinabi ni Captain! Pupunta pa daw tayo sa forest museum eh!" sigaw ni Sehun mula sa likod ko.
Agad ko naman siyang nilingon. "Ayoko ngang sumama sakanila! Ano ba?!" sigaw ko.
Napakamot siya ng ulo niya at uminom ng Bubble Tea na hawak niya. "Hiking to, Kai. Hindi sight seeing na mag-isa ka lang!" reklamo niya sakin.
Andito kasi kami sa isang gubat kung saan dapat ay magha-hiking kami. Si Mommy kasi ay isang environmentalist at gusto niyang mapalapit din ako sa kalikasan. Pero HINDI EH!! AYOKO NGAAA!!
Tinulak ko naman ng marahan si Sehun. "Edi dun ka na! Iwan mo na ako. Basta dito lang ako, uupo at magpapahinga at magfe-Facebook."
"Friends tayo, Kai!" sigaw ni Sehun at tumabi sakin dito sa may ibaba ng malaking puno. "Walang iwanan, dude." sabi niya at nag-wink pa. Kadiri lang.
"Kadiri ka Sehun!" sita ko at nilabas na ang iPad ko saka pocket wifi. Sosyal ako eh, sorry guys.
Bigla namang inagaw ni Sehun ang pocket wifi ko. "Uy pa-connect!" sigaw niya sabay labas ng cellphone. Inirapan ko naman siya pero binigay ko din ang password.
Habang nagfe-Facebook ay tumawa ng malakas ang mokong na katabi ko. "Yuck, Kai! Facebook?! Ang cheap mo naman!" tukso niya sakin habang tawa parin ng tawa.
Tinignan ko siya ng masama. "3,578 na kaya friends ko sa Facebook. Bakit ikaw?! Ang yabang mo ah!" sigaw ko habang tinatago ang iPad ko. Baka kasi makita niya na 3,570 lang talaga ang Friends ko.
Agad naman siyang nag-smirk at tinaasan ako ng kilay. "Huh!" pagmamayabang niya. "Ako kasi, Instagram eh. Pang-sosyal."
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Sus. Pang-vain lang naman ang Instagram eh." sabi ko naman. "Ilan na ba followers mo?"
Natawa naman siya ng nang-iinis at inopen ang Instagram account niya. Nakita ko naman na "oohsehun" ang username niya sa Instagram.
"Ayan!" malakas na sigaw niya. "2.4Million na followers ko!" sagot niya sabay tawa ng malakas habang pinamumukha sakin ang followers niya. Bwisit! Natalo ako dun ah!
BINABASA MO ANG
The Kiss
FanfictionNagising si Prince Kyungsoo dahil sa halik ni Kim Jongin. Pero paano kung 100 taon na ang nakalipas mula nang nakatulog siya? Problema nga to. Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO]