Kiss 19

4.5K 239 37
                                    





~Do Kyungsoo~





Dinakip ng mga alagad ni Evil Witch ang lahat ng mga kawal ni Ama. Walang natira nang bumalik kami sa aming kaharian. Takot na takot ang mga tao.



Habang naglalakad kami sa bayan, isang babae ang lumapit sa akin. May hawak siyang bata at umiiyak ito.



"M-mahal na Prinsipe!" iyak niya at kumapit sa braso ko. "Tulungan niyo kami, pakiusap! A-ang Mangkukulam! Siya na ang nakaupo sa trono!" humagulgol siya sa harapan ko.



Halos madurog ang puso ko sa nakikita ko sa bayan. Walang makain ang mga tao, walang tubig at walang maayos na damit.



Pinahirapan sila sa loob ng ilang linggo.



Hindi ko manlang nalaman at naramdaman na kailangan na pala ako ng kaharian namin.



Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Ang hirap isipin na dahil sa akin, bumalik ang Mangkukulam na yun at pinahirapan ang buong Kahariang Do.



Isang malakas na sigaw ang naging dahilan para magtago kami ng mga kawal sa pinakamalapit na bahay.



Maya-maya pa, isang karwahe ng reyna ang dumating.



Tumayo ang isang alagad niya at tumingin sa paligid.



Nagulat ako nang makita kung sino ito.



Si Suho.



"Makinig kayong lahat!" sigaw niya at humawak ng maigi sa dala niyang espada. "Kung sino man ang nakaka-alam sa kinaroroonan ng nawawalang Prinsipe, magsalita na! Alam naming bumalik na siya dito sa kaharian kaya wala nang rason para itago niyo pa siya!"



Natahimik ang lahat. Alam nilang andito lang ako pero hindi ako naniniwalang magsasalita sila. Ako nalang ang nag-iisa nilang pag-asa.



"Bibigyan namin kayo ng hanggang mamayang gabi!" nakangising sigaw ni Suho at may hinilang batang babae na umiiyak. "Dadalhin niyo siya sa amin o mamamatay ang batang babae na ito. Sa harapan niyong lahat!"

The KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon