~Kim Jongin~
4 am palang ng madaling araw nang makaramdam ako ng pananakit sa puson. Hindi ako nireregla, guys. Naiihi ako. Kilala ko kayo eh.
Medyo hilo pa akong lumabas ng kwarto ko kasi nga, wala akong CR sa loob. Pero halos mapa-upo naman ako sa sahig sa gulat.
"Kyungsoo!" sigaw ko habang nakahawak sa dibdib. Grabe! Akala ko multo na kanina! Paano ba naman eh naka-upo siya sa may sofa at nagbabasa ng libro. Isama mo pa ang fact na sobrang puti niya! Mukha na tuloy siyang white lady na ewan.
"Magandang umaga, Jongin." bati niya at nag-bow pa.
Napatingin ako sa paligid at napansing hindi niya binuksan ang ilaw. "Bat naman hindi mo binuksan yung ilaw? Nakakabasa ka pa ba diyan?" tanong ko at naglakad papunta sa switch.
"Sa aming kastilyo ay walang ganiyang kagamitan." explain niya sakin. "Kung kaya naman, pinag-hihirapan ko ang pagbabasa."
Binuksan ko ang ilaw at sabay kaming napangiwi sa liwanag.
"Salamat." sabi niya at nagbasa ulit. Tumango nalang ako at naglakad papunta sa CR. Umurong na din ata yung ihi ko.
"Bakit pala ang aga mong nagising?" tanong ko sakanya matapos kong umihi, nahirapan nga ako eh. Napagdesisyunan ko na ding hindi na matulog. Nagising na ako eh. Hay nako.
Napatingin siya saglit sakin at ngumiti. At tulad ng dati, nag-iba nanaman ang heart rate ko. Bumilis na naman na parang baliw.
Umiwas ako ng tingin sakanya at nagtimpla ng kape.
"Ako ay sanay sa ganitong paggising." sagot niya. "Hindi ko din mawari, ngunit, dito na ako nasanay."
Tumango nalang ako. Nakaka-nosebleed talaga siyang kausap. Paano ko siya isasama sa labas niyan? Para ko lang kasama ang lolo ng lolo ko pag nakikipag communicate.
Kaya naman, habang umiinom ng Kopiko Astig ay naglakad ako papunta sakanya. Tumingin ako sa mga libro ko at kinuha ang libro ko nung high school sa Basic Korean.
BINABASA MO ANG
The Kiss
FanfictionNagising si Prince Kyungsoo dahil sa halik ni Kim Jongin. Pero paano kung 100 taon na ang nakalipas mula nang nakatulog siya? Problema nga to. Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO]