~Kim Jongin~
Nagkakatinginan nalang kami ni Sehun habang naiilang na nakaupo sa paligid ng napakahabang dining table ng kastilyo. Ang daming pagkain ang naka-hain sa mesa. Ngayon lang namin napansin na mahigit isang daan ang mga kasambahay nila dito.
Pero... nalilito parin ako sa nangyayari.
Wala talaga akong clue! Basta ang alam ko lang, hinalikan ko siya saka siya nagising.
"Ano ang iyong pangalan, iho?"
Napabalikwas ako sa pagkaka-upo nang magsalita ang isang lalakeng mukhang hari. O... hari talaga siya? Ang daming naka-kabit sa katawan eh. May korona pa siya.
Napatingin ako sakanya at napalunok. "Um..." simula ko at napatingin kay Sehun. "Jongin po. Kim Jongin. Pero Kai po ang tawag sakin ng karamihan."
Napataas ang kilay ng lalake. "Hindi mo ba ako kilala?" tanong niya.
Napatingin ako ulit kay Sehun at napa-shrug lang siya. "Um. Hindi po eh." naiilang na sagot ko. "Sino po ba kayo?"
Napansin kong napangiti ng marahan ang Prinsipe pero mukhang hindi nagustuhan ng Hari ang tanong ko. "Ako ang Mahal na Haring Do. Hari ng buong kaharian dito." may halong yabang na sabi niya.
Napatingin ako sa Prinsipe at nakatingin siya sakin. Puno ng emosyon yung mga mata niya. Sa sobrang laki, napaka-expressive nito at pakiramdam ko, nalulunod ako sa mga to.
Bigla siyang ngumiti at halos mahimatay ako sa bilis ng tibok ng puso ko. Grabe! Bat ganun ang epekto niya sakin?!
"Pasensya na po... uhhh... M-mahal na H-hari." medyo nauutal pa na sabi ko. "Hindi ko po kasi alam."
Nalungkot bigla ang mukha ng Hari at halatang naiiyak na siya. "Hindi din naman kita masisisi, Ginoong Kim." malungkot na sabi niya at nakita kong hinawakan ng Reyna ang kamay ng Hari. "Isang daang taon. Isang daang taon ang nawala. Hindi mo nga kami makikilala."
Napatingin ako sa Prinsipe at napayuko siya.
Isang daang taon na ang nakalipas? Bat ano bang nangyari?
BINABASA MO ANG
The Kiss
FanfictionNagising si Prince Kyungsoo dahil sa halik ni Kim Jongin. Pero paano kung 100 taon na ang nakalipas mula nang nakatulog siya? Problema nga to. Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO]