~Kim Jongin~
Hinigit ko ang kwelyo ni Chanyeol at hinila siya patayo. Nanlaki ang mga mata niyang tumingin sakin.
"Whoa Kai!" reklamo niya. "Anong problema mo?!"
"Jongin!" sita sakit ni Baek at hinila si Chanyeol palayo sa akin. "Anong ginagawa mo?! Ha?! Bat mo sinasaktan si Chanyeol?!"
Napahilamos ako ng mukha at napatingin sa paligid. "Putangina, Chanyeol! Bakit mo iniwan si Kyungsoo?! Nasan na siya?!"
Napatingin sa paligid si Chanyeol. "Kai, pasensya na." sagot niya. "Hindi ko talaga alam kung nasan na sila."
Tinignan ko silang dalawa ng masama. "Alam niyo, tulungan niyo nalang akong hanapin si Kyung. Bago pa may mangyaring masama sakanya."
Tumango ang BaekYeol at nagsimula na kaming mag-ikot sa club. Sobrang gulo at sobrang daming tao ang nagtataka kung ano bang hinahanap namin. Pero iisang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko...
'Suho, pag may ginawa kang masama kay Kyungsoo, hinding-hindi kita mapapatawad.'
~Kim Suho~
Binigay ko ang natutulog na Kyungsoo sa limang lalakeng kinausap ko. Maging ako, hindi ko alam ang mga pangalan, basta ang sabi, expert daw mga ito.
"Oh ayan." sabi ko at inayos ang suot kong coat. "Kayo nang bahala sakanya ah. Basta yung sinabi ko, maluwag na dapat."
Tumango naman yung parang leader nila sabay thumbs up. "Sure. Kami nang bahala dito." at nag wink pa sakin ang mokong. Kadiri.
BINABASA MO ANG
The Kiss
FanfictionNagising si Prince Kyungsoo dahil sa halik ni Kim Jongin. Pero paano kung 100 taon na ang nakalipas mula nang nakatulog siya? Problema nga to. Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO]