Kiss 8

7.2K 356 169
                                    




~Kim Jongin~




 "Kung isang pagdiri--"



"Party, Kyungsoo. Party." pagtatama ko sakanya habang naghahanap ng damit sa cabinet ko.



Tumango-tango siya. "Party." pag-uulit niya sa sinabi ko habang tumatango parin.



Napangiti ako. Sobrang cute niya kasi eh. Hindi ko mapigilan yung sarili ko na matuwa sakanya.



"Kung gayon, Jongin. Kung pupunta tayong dalawa sa isang party, nasaan ang ating isusuot?" pagtatanong niya at umupo sa kama ko.



Andito kasi kaming dalawa sa kwarto ko habang naghahanap ng damit. Mamaya na kasi ang party ng BaekYeol at naisipan naming medyo agahan para mas masaya.



Kumuha ako ng isang puting t-shirt, jacket, at pantalon. Iniabot ko sakanya yun. "Oh eto. Gamitin mo muna yan."



Kinuha naman niya ito at pinagmasdan. "Ganito ba ang kasuotan niyo sa isang party, Jongin?" tanong niya habang nakatingin parin sa damit.



Kinuha ko naman yung isang printed na t-shirt ko. "Oo. Bakit? Ano bang akala mo?"



"Kakaiba talaga." nakangiting sabi niya. "Ibig bang sabihin ay hindi naka-mahabang damit ang mga babae?"



Natawa ako sa tanong niya. Naalala ko yung mga babae tuwing may parties sa school. Siguradong mas lalaki ang mata ni Kyungsoo pag nakita niya sila.



Umiling ako at pinat siya sa balikat. "Iba na ngayon, Kyungsoo." sabi ko habang natatawa. "Magbihis ka na sa banyo. Susunod nalang ako."



Kahit nagtataka ay sumunod naman si Kyungsoo. Maya-maya pa, lumabas na siya at sumunod naman ako.




Napapatingin ako kay Kyungsoo habang naghahanda na. Pero napatigil ako nang hindi niya alam ang gagawin sa sapatos na hawak niya. Leather boots kasi.



"Halika dito." tawag ko at pinaupo siya sa sofa.

The KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon