~Kim Jongin~
"Alam ko kung ano tong lugar na to, Kai." bulong ni Sehun habang naglalakad kami dito sa loob ng palasyo.
Nilingon ko naman siya habang naka kunot noo. "Oh talaga? Sige nga. Ano?" tanong ko.
Tumingin siya sa paligid bago nagsalita. "Tignan mo ah. Sobrang luma ng paligid. Pero ang weird kasi parang totoo lahat. Parang ginto talaga yung mga frames na ginto ang kulay. Tapos, lahat ng gamit, totoo. Walang mintis!" bilib na bilib na sabi niya.
Tinignan ko siya ng masama. "So? Ano then?"
"Feeling ko, isa itong park. Siguro hindi pa nagbubukas at lahat ng tao kanina ay machines." seryosong sabi niya.
Napa-isip ako sa sinabi ni Sehun. Siguro nga tama siya. May point kasi siya eh. May tao ba naman ang hindi magigising kung sobrang niyugyog mo na siya?! Diba wala naman? Maliban nalang kung may magic na nagpatulog sakanila. Pero imposible yun.
Napatingin ako sa paligid ng castle. "Ang swerte naman natin." sabi ko sakanya. "Biruin mo, nauna na tayo!"
Natawa siya at pinat ang balikat ko. "I know, dude."
Napagpasyahan namin na maglibot-libot na muna. Ang dami naming napuntahan na kwarto na may mga tulog din na tao este... machines pala. Machines.
"Punta tayong tower!" sigaw ni Sehun habang nakadungaw sa isang malaking bintana.
Napakunot-noo ako. "Anong gagawin natin dun?" tanong ko.
"Maganda ang view dun, Kai! Sobrang taas!" excited na sigaw niya. "Makikita natin lahat tapos baka matanaw pa natin yung daan pabalik."
Napangiti ako sa sinabi ni Sehun. Kahit pala paano, nag-iisip din tong mokong na to! Nakaka-proud naman.
Hinanap namin yung daan papuntang tower. Sobrang hirap nitong hanapin kasi nasa dulo siya ng castle. Nang mahanap namin, nasa gitna palang kami ng pag-akyat ay hingal na hingal na kami.
Sige nga! Try mong umakyat ng sobrang taas na tower at kung hindi ka ba naman mapapagod!
BINABASA MO ANG
The Kiss
FanfictionNagising si Prince Kyungsoo dahil sa halik ni Kim Jongin. Pero paano kung 100 taon na ang nakalipas mula nang nakatulog siya? Problema nga to. Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO]