Kiss 9

6.6K 330 78
                                    



~Kim Jongin~





Agad akong humiwalay kay Kyungsoo matapos ko siyang halikan. Namumula pareho ang mga mukha namin at hinihingal ako kahit hindi naman dapat.



Iba kasi ang naramdaman ko nung halikan ko siya.



Mahal ko siya. Mahal ko tong taong nasa harap ko.



Mahirap i-explain, oo. Pero yung puso ko, alam ang sagot kahit hindi mo i-explain. It can say what the mind can't comprehend.



Ipinatong ko ang noo ko sa noo ni Kyungsoo. Nanlalaki parin ang mga mata niyang nakatingin sakin.


"Mali pala." I breathed and closed my eyes. "Mahal kita, Kyungsoo."



Mas lalong namula ang mukha ni Kyungsoo. Hindi siya nagsalita hanggang sa may napansin ako. Tahimik ang buong paligid at lahat ng mata ay nasa amin na.



Unti-unti kong iniangat ang ulo ko at tinignan si Kyungsoo sa mata. Nakatitig lang siya sakin. Pakiramdam ko, kaming dalawa lang ang tao dito sa club. Nag-evaporate na lahat.



It's just me and him alone.



Napansin ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Kyungsoo at agad akong nakaramdam ng kaba. Nasaktan ko ba siya?



Nanlaki ang mga mata ko at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. "K-kyungsoo?" kinakabahang tanong ko. "M-may problema ba? N-nasaktan ba kita?"



Umiling siya at ngumiti. Kasabay nun ang pagpatak ng luha niya sa mga daliri ko. "M-mahal mo ako?" nakangiting tanong niya habang umiiyak.



Natawa ako ng mahina at tumango. "Mahal kita." sagot ko habang hinahaplos ang pisngi niya. "Alam kong mabilis pero... yun eh. Yun ang nararamdaman ko."



"Totoo nga." nakangiting sabi niya at hinawakan ang mukha ko. "Totoo ngang ikaw ang para sa akin."


Pero mas ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa.



He pulled my face and kissed me. Hinalikan niya ako sa harap ng lahat ng nandito sa club.

The KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon