Kiss 17

5.3K 228 62
                                    





~Kim Jongin~




"Okay na," sabi ko sa BaekYeol at binuksan ang pinto ng apartment ko. "Salamat sa paghatid."



Napa-eyeroll si Baek at kumapit sa braso si Chanyeol. "Sa susunod kasi, mag-ingat kayo." kalmadong sabi niya. Nakakapanibago nga eh. "Alam mo namang napaka-fragile niyang si Kyungsoo, tapos, ginaganyan mo."



Napabuntong hininga ako at tumango. "Oo na." sagot ko naman. "Kasalanan ko na. Hindi ko naman kasi alam na yun yung pina-inom kay Kyungsoo no."



"Sus! Eh--" pero napatigil si Baek ng may maalala. Nanlaki ang mga mata niya at napatingin kay Kyungsoo. Hinawakan niya ang pisngi nito at tumingin kay Chanyeol. May binulong siya dito at isang malaking ngiti ang lumabas sa mukha ng higante.



Pinalo siya agad ni Baek sa balikat. "Isa ka pa!" sita niya dito.



"Aray naman Baek!" reklamo ni Chanyeol at napahawak sa balikat niya. "Eh malay mo, hindi eeffect yung gamot kay Kyungsoo."



Napa-irap si Baekhyun at tumingin sakin. "May nangyari na ba sa inyo ni Kyungsoo? Yung totoo, Kim Jongin!"



Halos lumuwa naman yung mata ko sa sinabi niya. "ANO BA NAMANG TANONG YAN BAEK?!" sigaw ko. Muntik ko nang mabitawan si Kyungsoo na buhat-buhat ko.



Dinuro ako ni Baekhyun. "Aba Kim Jongin! Eh bat hindi mo masagot ang tanong ko?" sabay tingin sa akin ng masama. Humakbang pa siya ng isa at hinarap ako. "So ano nga?! SAGOT!"



"WALA, syempre!" depensa ko sabay tulak sakanya ng marahan. Nakakatakot naman kasi ang aura niya. "Hindi naman kami katulad niyo na rak kung rak eh." bulong ko sa huli.



"Aba puta!" sigaw ni Baek sabay batok sa akin. "Wala kang pake! Tong negro na to! Ikaw na nga ang tinulungan ganyan ka pa ah!" sabay batok ulit sa akin.



"Oo na! Oo na!" reklamo ko naman. Kotang-kota na sa batok eh! To namang si Chanyeol, walang ginawa kundi tawanan lang ako sa isang gilid. "Eh bat mo ba kasi natanong?"



Napatigil si Baek at ngumisi. "Malalaman mo din maya-maya." at nag-evil laugh sa dulo. Tumayo naman ang lahat ng balahibo ko sa tawa niya. Nakakakilabot talaga si Baek.

The KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon