~Kim Jongin~
Agad kong sinarado yung pinto bago pa makapasok si Mommy.
Bat anong ginagawa ni Mommy dito? Bat hindi manlang niya ako sinabihan? ANONG GAGAWIN KO?!
Mas lumakas yung mga katok ni Mommy.
Napatingin ako kay Kyungsoo at super absorbed lang siya sa pinapanood niyang Prince of Tennis. Napangiwi ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Huminga ako ng malalim at binuksan ulit yung pinto. "Hi, Mom!" malakas kong bati at ngumiti.
Tinaas ni Mommy ang isa niyang kilay. "Bat mo ako sinarahan ng pinto, ha?! Kim Jongin?" sigaw niya sakin.
Napangiwi ako at pinunasan ang pawis sa may noo ko. "A-ah. Na-shock kasi ako Mom. S-sorry."
Umirap lang si Mommy at tinulak ako patabi at pumasok sa loob. "Gusto kong makilala yung bago mong Yaya. She should be good ah. Dapat malinis ang bahay mo." sabi niya at nag-cross arms.
Naglinis na ba ako ng bahay?
"Ahhh." simula ko at napakamot ng ulo. "May sakit kasi yung kasama ko dito sa bahay, Ma. Kaya hindi pa siya nakakalinis ngayon."
Tinaas naman ni Mommy ang isa niyang kilay at napatingin sa paligid. "Mukha nga." sagot niya habang may nandidiring mukha.
"So, where's she?" tanong niya at tinaas ang isang kilay.
Kailangang maghanda ni Kyungsoo. Mukhang hindi maganda ang mood ni Mommy ngayon.
"Actually Ma... my Yaya is not--"
"Jongin?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kyungsoo na nakatayo sa hallway.
Oh shoot. Oh fck. Oh sht.
BINABASA MO ANG
The Kiss
FanfictionNagising si Prince Kyungsoo dahil sa halik ni Kim Jongin. Pero paano kung 100 taon na ang nakalipas mula nang nakatulog siya? Problema nga to. Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO]