~Kim Jongin~
Teka. Ano? Nakatadhana na kami para sa isa't isa?
Pero paano nangyari yun?! Saka bat KAMI?!
Pareho kaming lalake!
Napatingin ako sa mga mata niya. At basta ginagawa ko yun, kakaiba ang nararamdaman ko. Teka. Kanina ko pa pala sinasabi yun ano?
Pero yun talaga eh! Nakakainis! ARGH!
Para bang... gusto ko yung idea na nakatadhana siya para sa akin. Na ako ang para sakanya at ganun din siya.
"Kai! Kai!" isang naghihingalong Sehun ang patakbong lumapit sa amin kaya naman nabitawan ko ang mukha ni Kyungsoo.
Napahawak siya sa dibdib niya habang naghahabol ng hininga. "Kai, tumawag si Captain." nag-aalalang sabi niya. "Hinahanap na nila tayo. Aalis na daw yung bus!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Yung mga bag natin?!" taranta ko tanong. AYOKONG MAIWAN SA GUBAT NA TO!
"Nailabas ko na. Halika na! Nagpaalam na ako sa Hari!" sigaw niya at hinila ang braso ko.
Tatakbo na din sana ako nang may humila sa kamay ko. "Sandali!" sigaw ni Kyungsoo.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko at nakaramdam ako ng kuryente. Namumulang binitawan niya ito agad. "Aalis na kayo?" tanong niya habang may lungkot sa mga mata.
Napalunok ako. Grabe! Ang cute niya talaga! Argh. Paano ako aalis neto?
Tumango ako ng mabagal. "Kailangan na namin umalis, Kyungsoo. Paalam." malungkot kong sabi. Aalis na talaga ako pero hinawakan niya ang damit ko.
"Gusto kong sumama sayo." may halong pagmama-kaawa na sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at agad akong umiling. "Hindi pwede. Wala kang alam sa buhay doon."
BINABASA MO ANG
The Kiss
FanfictionNagising si Prince Kyungsoo dahil sa halik ni Kim Jongin. Pero paano kung 100 taon na ang nakalipas mula nang nakatulog siya? Problema nga to. Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO]