Kiss 15

4.8K 249 72
                                    




~Kim Jongin~




Hindi ko talaga maalis sa paningin ko si Kyungsoo. Sobrang gulo ng club at ang daming nakatingin sakanya. Pakiramdam ko tuloy, may mga nagmamanman sa paligid.



Pero imposible naman yun diba? Kasi... hindi naman kami famous.



"Kai!"



Isang masayang Chanyeol ang lumapit sa amin habang may hawak na glass ng champagne. "Natikman niyo na to?" tanong niya sabay bigay sa amin ni Kyungsoo ng tig-isang glass.



"Hindi pa."  sabi ko sabay kuha kay Kyungsoo nung glass. "Pero wala kaming balak, diba Kyung?"



Napakunot noo naman si Kyungsoo. "Anong walang balak?" sabi niya at kinuha ulit yung champagne glass. "Meron." sabay inom at sabing, "Sarap ah."



Natawa naman si Chanyeol at pinat ako sa balikat. "Bro, champagne lang yan. Hindi yan nakakalasing." natatawang sabi niya. "OA mo ah."



I rolled my eyes. "Kung sabagay, wala ka namang pakialam eh." inis na sabi ko. "Asan pala si Baek?"



Napatingin naman si Chanyeol sa paligid at tinuro ang buffet area. "Andun, kumuha ng foods." sabi niya at kinuha yung champagne glasses na wala nang laman. "Wow Kyungsoo!" sigaw niya. "Naubos mo yung dalawang glass?!"



Napatingin ako kay Kyung. "Teka!" sita ko sakanya. "Bat mo ininom yung dalawa, ha?!"



Napa-shrug naman siya at pinunasan yung labi niya gamit yung kamay niya. "Masarap eh." sabi niya at ngumiti. "Yeol, kuha ka pa nga."



Natawa si Chanyeol at naglakad paalis para kumuha ulit.



I narrowed my eyes at Kyungsoo. "Huwag ka ngang umiinom." sabi ko.



"Bakit naman?" tanong niya. "May masama ba dun?"



I shook my head. "Wala naman pero--"



"Hello Kyungsoo." bati ng isang boses at alam ko na agad kung sino.

The KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon