~Kim Jongin~
"Kyungsoo!!! Kyungsoo!!!" inalog-alog ko pa ang katawan niya pero ayaw niya talagang gumising. Buset na gamot yun. Buset na orgasm. ARGHHH!!! "Please naman Kyung!" sigaw ko pa at tumakbo papunta sa banyo.
Nagtatakang pinapanood ako ng mga kawal na pabalik-balik sa kwarto ko. Kumuha ako ng isang balde ng malamig na tubig at tinapat sa mukha ni Kyung. Huminga ako ng malalim.
"Kyungsoo, mahal ko. Patawarin mo ako sa gagawin ko, pero papatayin ako ng mga kawal niyo kung hindi kita mailalabas." hikbi ko habang pinupunasan ang mga luha ko. Eh nakaka-iyak naman kasi talaga ang gagawin ko eh.
Iniangat ko pa ang baldi na hawak ko at bahagya itong tinabingi sa tapat ni Kyungsoo. "I nominate Baekhyun-hyung--- ah! Ano ba yan! Akala ko ice bucket challenge." napa-iling nalang ako at pinikit ang mga mata. Binuhos ko yung tubig sa mukha ni Kyungsoo.
"WAAAAAHHHHH!!!!" sigaw ni Kyung at agad na napatayo sa kama. Napatingin siya sa paligid at sa akin. "ANONG NANGYARI?!" sigaw niya.
Iniangat ko ang baldi at nagpeace sign. Agad namang sumama ang tingin niya sa akin at maiitim na usok ang lumabas sa kanyang tenga at ilong.
Nakakatakot.
"Ayoko talaga, Kyung!" reklamo ka sabay hila pabalik ng kamay ko. "Ayokong makinig sa usapan niyo."
Napa-pout naman si Kyungsoo. "Pero Kai, gusto ko ngang marinig mo kung ano man ang sasabihin ng mga kawal." naiiyak na sabi niya. "Bat ba kasi ayaw mo?"
Napabuntong hininga ako at napa-facepalm. Bat ayaw ko? Eh natatakot lang naman ako sa pwede kong malaman. Natatakot akong marinig na aalis na si Kyungsoo at kukunin nila.
Oo. Ang hina ng loob ko. Inaamin ko na.
BINABASA MO ANG
The Kiss
FanfictionNagising si Prince Kyungsoo dahil sa halik ni Kim Jongin. Pero paano kung 100 taon na ang nakalipas mula nang nakatulog siya? Problema nga to. Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO]