~Kim Jongin~
"Whooaaaaaa."
"Ang gandaaaaaaa."
"Woooooooooowwww."
Kanina pa nakataas ang kilay ko kay Kyungsoo habang nakasakay kami dito sa bus. Paano ba naman eh nakadungaw lang siya sa bintana habang gandang-ganda at bilib na bilib sa mga nakikita niya. Katabi ko siya dito sa bus at siya ang nasa may bintana.
Makakita lang ng tricycle, sobrang bilib na siya. Probinsya palang to ah! Paano na kaya kung nasa city na kami?
Tinapik ko ang balikat niya at lumingon lang siya sakin tapos babalik ulit ang tingin sa labas. "Kyungsoo, huwag kang maingay." bulong ko sakanya.
Napatingin naman siya sakin habang nakakunot noo. "Bakit naman?" tanong niya.
"Baka malaman nilang taga ibang lugar ka." explain ko sakanya. "Baka matakot sila sayo."
Nanlaki naman ang mga mata niya at umayos ng upo. "Patawarin mo ako, Jongin. Hindi ko sinasadya. Paumanhin." at nag pout habang nakatingin sa baba.
Biglang lumambot yung puso ko at para bang gusto ko siyang yakapin. Hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Ngayon lang ako nakadama ng ganito eh.
"A-ayos lang yun, K-kyungsoo." sabi ko naman at pinat ang balikat niya.
Iniangat niya ang ulo niya para tumingin sakin. Nagtama ang mga paningin namin at nandito nanaman yung sobrang bilis na tibok ng puso ko. Ngumiti siya at binalik ulit ang tingin sa bintana. Nakahinga ako ng maluwag.
"Nakakamangha ang mga kagamitan niyo, Jongin." bulong ni Kyungsoo habang hindi inaalis ang tingin sa labas. Nakangiti siya. "Karwahe ang gamit namin sa aming panahon. Ngunit kakaiba na ngayon. Mabilis at napaka-ganda."
Tumango nalang ako. Eh hindi naman ako proud sa technology ngayon. Buti pa ang karwahe, walang smoke belching. Hay nako.
Unti-unting dumilim ang paligid at sinara ko na ang kurtina. Umayos naman ng upo si Kyungsoo at tumingin sa harapan.
BINABASA MO ANG
The Kiss
FanfictionNagising si Prince Kyungsoo dahil sa halik ni Kim Jongin. Pero paano kung 100 taon na ang nakalipas mula nang nakatulog siya? Problema nga to. Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO]