~Kim Jongin~
"Anak ng--!!!" sigaw ng Baek at napasapo sa noo niya. "Bat ngayon mo lang sinabi sa akin, Negs?! Bat ngayon lang?! HUHUHU." iyak pa niya habang yumayakap kay Chanyeol. Kinomfort naman siya ni Yeol habang niyayakap at hinahaplos ang likod.
Umiwas ako ng tingin sabay facepalm. Napaka-OA naman kasi magreact ng baekla na ito eh! Pinapatagal pa kasi ang explanation ko.
"Kailangan kong gawin yun, Baek." depensa ko naman. "Para na din yun sa safety ni Kyungsoo."
Umirap si Baekhyun at tumingin sakin ng masama. "At kanino mo naman siya dedepensahan?! FROM ME?!" sigaw niya sabay turo sa mukha niya. "Pwede mo naman kaming katuwang sa pag-aalaga sakanya ah!"
Napasabunot ako sa ulo ko at tumingin kay Chanyeol. Hinarap ko sakanya yung mga mata kong nagsasabing, "Chanyeol, I need your fcking help. RIGHT NOW!"
Tumango naman si Chanyeol. "Babe." malambing na tawag niya kay Baek at hinaplos ang likod nito. "May point naman si Kai eh. He needs to do that. Besides, ayaw lang niya tayong gambalahin."
Tumango-tango ako.
"Kahit na!" sigaw ni Baek at dinuro din si Chanyeol. Napalunok ito. "At isa ka pa! Hindi mo manlang sinabi sakin, Chanyeol! Akala ko ba mahal mo ako?! Akala ko ba ako lang?! Akala ko ba wala ka nang pipiliin na iba?! Bakit Yeol, bakit?! Ano bang ginawa ko sayo? Bat mo ako sinasaktan ng ganito?! Binigay ko lahat sayo, lahat! Pero anong ginawa mo?! Pinagpalit mo ako sa iba, sa walang kwentang tao!" sigaw pa niya sabay turo sa akin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. Ano raw? AKO?!
"Ano bang sinasabi mo, Baek?" takang tanong ni Chanyeol. "Wala naman akong ginawang masama ah."
Inayos ni Baekhyun yung bangs niya at nagpunas ng luha at uhog. "Bwisit." bulong niya. "Sayang yung drama ko."
Napabuntong hininga ako. "I need your help, guys." sabi ko at tinignan silang dalawa sa mata. "Ngayong alam na ni Baek ang totoo, kailangan kong mahanap si Kyungsoo. Pero hindi ko ito kayang gawin mag-isa."
"You want us to come and help you find him?" tanong ni Chanyeol. Umayos siya ng upo at halatang interesado sa sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
The Kiss
FanfictionNagising si Prince Kyungsoo dahil sa halik ni Kim Jongin. Pero paano kung 100 taon na ang nakalipas mula nang nakatulog siya? Problema nga to. Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO]