~Kim Jongin~
Inilapag ko muna yung bag ko sa kama bago nagpalit ng damit.
Paano ko kaya sasabihin kay Kyungsoo na hindi na muna siya pwedeng lumabas-labas?! Natatakot kasi ako baka masaktan lang siya. Nakakainis! Nakakainis talaga!
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko na nakaupo na sa sofa si Kyungsoo habang binabasa yung mga lessons namin kanina. Sht! Mas lalo akong nakokonsensya neto.
Napatingin siya sakin nang lumabas ako ng kwarto. "Oh, Kai. Nagugutom ka na ba?" tanong niya habang nakangiti. "Magluluto na ba ako?"
Nahihiya akong tumingin sakanya at umiling. "Umm. Hindi na muna Kyungsoo." sagot ko at lumapit para tumabi sakanya sa sofa. "G-gusto sana kitang maka-usap." sabi ko at umiwas ng tingin.
Fck! Pinagpapawisan tuloy ako. Ano ba to?
"Ano ba yung sasabihin mo, Kai?" tanong niya at sinara yung binabasa niya.
Tumingin ako sakanya at sa magaganda niyang mata. Tulad ng inaasahan, ang hirap umiwas ng tingin pag nakatingin ka na sa mga mata niya.
His eyes are perfect. And always beautiful.
"H-hindi ka na pwedeng lumabas-labas muna ng bahay." sabi ko at agad na nawala ang saya sa mga mata niya.
"A-ano?" mahinang sabi niya pero sapat lang para marinig ko at maramdaman ang lungkot dito.
Napahawak ako sa buhok ko. "Delikado kasi, Kyungsoo." explain ko at hinawakan yung kamay niya. "Delikado kasi baka may makakilala sayo."
Umiling siya at namumuo na ang luha sa mga mata niya. Oh fck.
"Hindi Kai." sabi niya at kasunod ang mga luha niya. "Ayoko. Wala namang may kilala sakin eh. Bakit mo ginagawa to?"
"Kyungsoo..." simula ko saka hinawakan ng mas mahigpit yung kamay niya. "...mas ligtas pag andito ka lang sa bahay. Hindi mo alam kung isang araw, may lalapit na sayo at kukunin ka."
BINABASA MO ANG
The Kiss
FanfictionNagising si Prince Kyungsoo dahil sa halik ni Kim Jongin. Pero paano kung 100 taon na ang nakalipas mula nang nakatulog siya? Problema nga to. Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO]