~Kim Jongin~
Ginamit namin yung maps sa phone ni Chanyeol para hanapin ang gate sa kaharian nina Kyungsoo. Maya-maya pa, nahanap na namin ito at dalawang kawal ang nagbabantay sa magkabilang poste.
Napakunot noo ako. "Bakit kaya--"
Napatigil ako nang marealize kong wala na yung dalawa kong katabi. Asan na sila?!
"Hello!!!" sigaw ni Baek at saka ko lang nakita na papalapit na sila ni Chanyeol doon sa dalawang guards. Napa-facepalm ako. Akala ko ba tutulungan nila ako?!
Naglakad ako papunta sakanila at binigyan si Chanyeol ng masamang tingin. Tinuro naman niya si Baekhyun at nag-shrug. Pvta talaga.
"Mga kaibigan kami ni Kyungsoo." masayang bati ni Baekhyun. "Andiyan ba siya? Busy ba? Pwedeng tawagin niyo siya? Wait nalang namin siya dito sa labas. Ays ba?" tanong niya dun sa dalawang guards.
Wala silang sinagot at natinginan lang. Para silang nag-uusap gamit ang mga mata nila at nakaramdam ako ng kaba.
Napatingin ako kay Baekhyun na nakangiti habang hinihintay ang reply nung dalawa.
Pero maya-maya pa, biglang gumalaw yung dalawang guards na kanina ay steady lang sa mga pwesto nila. Tinutukan nila kaming tatlo ng hawak nilang espada.
"Waaaah!!!" sabay na sigaw nina Baekhyun at Chanyeol. "Mamamatay na tayo! Mamamatay na tayo!" sigaw pa nila kaya napatakip nalang ako ng tenga ko. Pati ba naman sa mga panahong ganito?
Dumating ang mga iba pang kawal nina Kyungsoo at tinalian kami sa kamay at paa. Sinakay nila kami sa isang karwahe kung saan, ang baho at amoy hayop. Napangiwi ako. Saan nila kami dadalhin?
Dinala nila kami sa ilalim ng palasyo, sa mga kulungan ng kriminal. Pero napansin kong walang laman ang mga selda ngayon. Mukhang kami lang.
BINABASA MO ANG
The Kiss
FanfictionNagising si Prince Kyungsoo dahil sa halik ni Kim Jongin. Pero paano kung 100 taon na ang nakalipas mula nang nakatulog siya? Problema nga to. Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO]