Kiss 12

6.7K 285 118
                                    





~Kim Suho~




Nakakadiri. Nakakadiri talaga yang sina Kyungsoo saka si Kim Jongin o mas kilala bilang Boy Uling este... Kai pala.



Maka PDA wagas eh! Hay! Naiinggit tuloy ako. Si Evil Witch naman kasi, ayaw akong payagan na isama si Lay dito sa misyon ko. Madi-distract lang daw ako sa dimples niya.



Kung hindi ko lang siya amo, matagal ko nang sinunog ang kulay red niyang buhok! Argh! Nakaka-asar talaga!



"Mr. Kim, are you ready?"



Napalingon ako sa lalakeng matanda at medyo panot. Siya ata ang principal ng school na to. Tumango ako at pilit na ngumiti. Ipapakilala na kasi niya ako sa klase nina Kyungsoo.



Maya-maya pa, pumasok na kami at agad na napunta sa akin ang tinginan ng buong klase. Lalong-lalo na yung mga babae syempre. Sanay na ako sa ganyan. Alam kong gwapo ako. Huwag niyo nang ipaalala.



"Good morning, everyone. I would like to introduce a new student of our school, Mr. Kim Jun-myeon. He would be staying here in your class so I hope you'll all get along." masayang sabi ni Mr. Principal.



Agad akong nakatanggap ng "Hi" at "Hello" mula sa mga classmates ko kuno. Ngumiti ako at nag-bow. "Hello. I'm Kim Jun-myeon but you can call me Suho. Let's all be friends." bati ko. Pero sa iisang tao lang ako nakatingin.



Kay Kyungsoo.



Siya ang target ko kahit diring-diri na ako sa ginagawa ko.



Para kay Lay. Para kay Lay. Para kay Lay. Para kay Lay. Para kay Lay. Para kay Lay. Para kay Lay. Para kay Lay.



Tama. Siya dapat ang motivation ko para gawin tong walang kwentang misyon na binigay sakin ni Evil Witch.



Napansin ni Kyungsoo ang titig ko sakanya kaya lumingon siya sa likod niya at sinigurado kung siya ba talaga ang tinitignan ko. Napakunot noo siya nang mapansing wala namang tao sa likod niya kasi vacant seat ito.



Napatingin ako kay Jongin sandali at napansin ko ang matalim na tingin niya sakin. Sobrang talim.

The KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon