~Kim Jongin~
Parang nanigas ang buo kong katawan sa ginawa niya. Hindi ako makagalaw. Nakatingin lang ako sa malayo habang hinihintay na matapos siya sa paghalik sa akin.
Pakiramdam ko, wala nang dahilan para lumaban. Wala nang dahilan para itulak ko tong babaeng ito at maglakad palayo.
Nawala si Kyungsoo.
Nawala na rin ang dahilan ko para mabuhay.
Naramdaman ko ang tuloy-tuloy na pagluha ko hanggang sa lumuwag ang kapit sa akin ng babae. Naramdaman ko ang panunuyot ng labi niya sa labi ko at pag-iba ng amoy niya.
Napakunot noo ako. Ano yun? Anong nangyayari?
"A-ah!" mahina niyang daing at saka siya kumawala sa yakap niya sa akin.
Napatingin ako sakanya at nakayuko siya na para bang masakit yung tiyan niya o anuman. Nanginginig siya at nakahawak sa dibdib niya. Pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya at marahan itong inalog.
"A-ayos ka lang?" bulong ko.
Umiling siya at saka ko lang napansin ang unti-unting pag-iba ng kulay ng buhok niya. Ang kaninang makinang at itim nitong buhok ay namumuti. Napa-atras ako sa gulat.
Dahil doon ay naitulak ko siya at napahiga siya sa sahig.
"A-anong nangyari sayo?!" gulat na sigaw ko. Napatakip ako ng bibig habang nakatitig sa babaeng kaharap ko kani-kanina lang.
Pero hindi na siya ito.
Isang matandang babae na ang kaharap ko.
Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin lang sakanya, hindi alam ang gagawin. Bakit ganito? Bakit siya tumatanda?
"A-aahhh..." daing ng matandang babae habang nakatingin sa akin. Itinaas niya ang isa niyang kamay na parang humihingi ng tulong. "T-tulong..."
BINABASA MO ANG
The Kiss
FanfictionNagising si Prince Kyungsoo dahil sa halik ni Kim Jongin. Pero paano kung 100 taon na ang nakalipas mula nang nakatulog siya? Problema nga to. Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO]