Kiss 13

5.8K 262 58
                                    





~Kim Jongin~




"So... anong ginawa niyo ni Suho kahapon?" tanong ko habang hinahati ang steak na lunch namin ni Kyungsoo ngayong Sabado. Andito kaming dalawa sa kusina ng apartment ko.



Napa-isip naman si Kyungsoo. "Nagpaturo lang siya sa ibang subjects."



Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Nagpaturo? Bat mas magaling ka ba sakanya?" tanong ko naman. If i know... nagbobobo-bobohan lang yung Suho na yun para makasama niya ang Kyungsoo ko.



"Hindi naman." depensa ni Kyung habang nakatingin sa ginagawa ko. "Baka hindi lang talaga niya maintindihan."



Napa eye roll nalang ako. Sus. Dumadamoves lang yun eh. Kaasar! Sobra! Ang galing umepal! Alam naman niyang may boyfriend si Kyungsoo eh. Nakiki-singit pa kasi!



Sabay kaming napatingin ni Kyungsoo sa pinto nang may biglang kumatok.



"Ako na." sabi ko naman at naglakad papunta sa pinto. Nararamdam ko naman ang tingin ni Kyungsoo mula sa likod ko.



Sumilip ako sa peep hole ng pinto at nakita ang isang Baekhyun na naka-pameywang at may hawak na envelop. Tinapat niya ito sa sinisilipan ko.



I just rolled my eyes at binuksan ang pinto. "Anong kelangan niyo?" tanong ko pero inirapan lang niya ako at pumasok sa loob. Kasama naman niya si Chanyeol. Pero dumiretso lang ang Yoda sa sala ko para manood ng TV, sabay sabing, "Hello Jongin. Manonood ako ah. Hehe."



Bat ba hindi nag hihiwalay tong dalawang to?



"Hello, Baek!" sigaw ni Kyungsoo at tumayo papunta sa "BFF" daw niya. Best Friends Forever!



Hindi ba pwedeng ako nalang yung BFF? Boyfriend Forever?



Pero teka! Hindi pala ako pwedeng maging BFF niya. Kasi ikakasal pa kami. Alangan namang hanggang boyfriend nalang ako diba? Osige. Si Baekhyun nalang ang BFF. Ibibigay ko na sakanya yun.



"Hello Kyungie!!!" sigaw ni Baek at niyakap si Kyungsoo. "May dala pa akong invitation! Kabibigay lang kanina ni Suho kay Chanyeol ko." masayang sabi niya at may inabot kay Kyungsoo.

The KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon