Chapter 8: The Last Cheater

587 21 14
                                    

Patricia POV:

"Gusto mo bang kumain?" Tanong ko sa kanya. Pero umiling iling lang sya bilang sagot na ayaw nya.

Nagkatinginan at Napabuntong hininga na lang kaming pareho ni chesca, habang nasa lamesa kami at nag bibreakfast.. Si audrey naman nasa salas lang at nag tatali ng sintas nya.

Hindi ko maiwasan na mag alala sa kaibigan naming to. Halos one week na syang wala sa sarili at wala na rin syang kinakausap ng matino. Feeling ko yung dating cold na cold na Audrey ay bumalik na.

Hindi na sya yung makikisabay samin sa kwentuhan at tawanan. Lalo na sa mga gala, wala na rin syang paki alam. Minsan inaakay namin syang lumabas. sumasama naman sya samin, yon nga lang parang Hindi naman namin sya kasama kasi lagi syang tulala. Ngingiti samin pero andon parin yung lungkot at kitang kita mo parin yung sakit na dinadanas nya ngayon.

Hindi na namin alam ni Chess, kung anong gagawin namin sa isang to. Halos nangingitim na nga yung eyebags nya dahil siguro sa wala na ring syang tulog.

"Matagal paba kayo?" bigla nyang tanong. Nagkatinginan kaming pareho ni Chess at napatingin din
sa kanya.

"A-ahh.. ito patapos na kami. Hehe kung bakit kasi nag dadayet kapa!"

Natawa ng bahagya don si audrey kaya napatawa din kami. Alam kung di yon gaanong nakakatawang joke pero dahil don napatawa sya.

"Bilisan nyo na nga' dami nyo pang sinasabi ee..!" Sabi nya at napatayo naman na kami ni chesca.. sabay pinatong ang mga Plato sa lababo. Sanay na kaming laging pag uwe na lang namin hinuhugasan yung mga plato para mas mapadali yung pasok namin sa school.

Pero minsan naman din hinuhugasan na para wala na pag uwe. Nauna syang lumabas hangang gate kaya pumara na sya agad ng tricycle. Ewan ko lang kung bat parang nagmamadali sya ee.. exactly 8:am pa naman ang klase.. nasa 7:20am pa lang naman. Pero nagmamadali talaga sya ee.

Sumakay na kami don at pagdating namin sa university. Marami rami na nga ang mga student. Napatingin ako sa kay audrey at tinanong ko sya.

"Gusto mong kumain don sa Canteen?"

Pero umiling iling lang sya. Hayss!! Ano bang pwedi naming gawin sa isang to? Dipa naman sya nakapag'umagahan pero ayaw namang kumain. Ganito ba talaga si audrey? I mean ganito ba yung dating Audrey? Kasi dati pag kasama namin sya. Di sya ganito. Laging nakikisalamuha, nakikitawa samin. At madaldal na rin. But now? Hindi kona nakikita yung masayahing audrey na lagi naming kasama.

Sabagay. Hindi ko naman sya masisisi. Kasi sobrang nasaktan sya sa break up nila ni drake. Di naman sya nag habol don kasi saan pa daw ang pag hahabol nya kung si drake na mismo ang bumitaw at umayaw sa kanya. Si drake na daw mismo ang nagsabi na hindi na daw nya mahal. Kahit naman sino sa ginawa ni drake masasaktan nya diba?

Hindi pa namin naka usap si drake tungkol dito e. Kapag naman tinatanong namin yon sa mga barkada nya umiiwas sila ng sagot. Nakakainis lang na ayaw talaga nilang ipaalam kung bakit? Halata naman kasing may alam sila pero ayaw lang nilang sabihin.

Nagpaalam na muna ako sa dalawa na pupunta lang akong C.r, tumango naman silang dalawa at hihintayin na lang daw nila ako sa room. After that tumakbo na ako papunta don. Pagdating ko pumasok nako sa Cr at agad ko ng ginawa ang dapat kung gawin..

"Paano yung girlfriend mo?"

"Bahala na."

"Anong bahala na?"

"Ayoko naman din syang makasama ee."

Dinig kung usapan ng lalaki at babae.. pero bat naman sa C.R sila nag uusap? Wala na bang private place para don sila mag usap. Bawal ang lalaki dito diba? Pero, halaaa si kuyang may shota na nga ata nagloloko pa sya. Hays!! Mga lalaki nga naman nakakainis sila.
May shota na nga nag hahanap pa ng iba. Buti na lang si dwayne koo hindi na sya yung playboy na kilala ko. Binago ko na sya ng dahil sakin. Nakaka proud lang na tumigil na sya sa kakatingin ng babae simula nung maging kami na.

Im In Loved With That Gangster Too  [PART 2 COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon