SPECIAL CHAPTER: Patricia & Dwayne

37 3 0
                                    


"YOU BELONG WITH ME"

PATRICIA POV:

"Hello? Hi wayne! Nasaan kana? Ikaw magsusundo sakin ngayon ha!" Masiglang tawag ko sa gwapo kung boyfriend .

["Uh, sure babe, kaso may susunduin din kase ako mamaya."

"Ha? Sino yon? Kilala ko ba?"

["I think, nope! Di mo sya naging close, but sana magiging okay lang sayo."]

"O-okay lang. Basta sabihin mo muna sakin kung sino yung susunduin mo mamaya?"

["Yea, its my cousin. Babae sya! Nag aaral din sa university na pinapasukan natin."

Ahh! Yun naman pala eh. Sige.

"Okay babe! Okay lang sakin. Pinsan mo lang pala eh. Sige! I'll call you later huh. Inaayusan na kase kami eh. Bye ingat! Love you!" Sabi ko pa at nag flying kiss ako kahit di naman nya ako nakikita.

"Oh! Jowa mo daw susundo sayo?" Tanong ni chesca. Tumango naman ako agad at ngumiti.

"Kanina pa talaga yang ngiti mo gurl. Baka mamaya nyan magpapa mental kana." Biro sakin ni bakla na ngayon ay nag aayos na saking hair. Request ko kase sa kanya na pakukulutin ng kunte ang buhok ko sa pinaka dulo. Natapos na ang pag kokolorete sa mukha ko, kaya ito ako ngayon at dina matahimik sa kakaisip sa lalaking yon amp!.

Ang sabi nya kase pinsan daw nya yung susunduin nya mamaya. I wonder if, nakita kona ba yon? Kilala ko na ang ibang pinsan nya, pero hindi naman lahat. Mga mababait nya lang na pinsan yung nakaka sundo ko. Pero yung iba hind. Kase napaka ma attitude!

Natapos ang oras na pag-aayos sakin ay pumunta muna akong sala at don naupo. Nag cellphone muna ako don at nag open na rin ako ng account ko. I picture my self. Since mahilig talaga ako magpa picture, tapos ay ina-upload ko yun sa social media. Nakikipag tawanan at kulitan pa ako kay gabby ng biglang napawi ang ngiti ko sa nakita kung nakatag sa name ni Dwayne. Sino na naman ang babaeng to?

Baka babae nya yan.

Nag stalk ako sa account ni dwayne. Ang daming naka upload don na mga pictures nila nung babae. Sino ba to babae ba nya? Hindi ko kase namumukhaan kung sino to eh. Bat parang ngayon ko lang nakita? Tiningnan ko ang bawat pictures nila nung babaeng kasama nya. Mukhang nasa bahay pa sila at nag aayos yung babae. Tapos ito namang magaling kung boyfriend ay tudo naman ngiti sa picture. Ang landi nya ha! Kulang na lang din makita ang kaluluwa ng babae sa sout nyang roba. Wtf! Dont tell me?

"Bakit ka nakasimangot dyan?" Natatawang tanong sakin ng kaibigan ko, si chesca. Diko sya sinagot at napairap na lang ako sa inis.

Bweset ka dwayne. Mamaya ka sakin!

I text him immediately. I said 'nasaan kana? Tapos na kami dito. Sunduin muna ako.' But sa five minutes na paghihintay ko ay wala syang reply kahit na isa. Ngayon lang ako nakakaramdam sa kanya ng inis. Dati naman hindi eh! Hindi ako ganito nag rereact sa actions ko. I always smile. But ngayon? Gusto kung magmura sa inis.

Buti naman at natapos narin ang hinihintay naming si audrey. Past 5:pm na at malapit na rin mag six o'clock. Pero yung hinihintay kung reply ay wala pa. Ang lakas lakas ng loob ko kanina magsabi ng okay lang sakin kahit walang maghahatid or kahit walang titingin sakin don kase nandyan naman si dwayne na titingin sakin. Si Ate kase hindi sya pwede dahil may pinag kaka abalahan din yun. Si Mama hindi rin sya pwede kase may mga inaasikaso daw sya na mas importante daw kesa js prome na to. Wala akong maasahan kundi ang boyfriend ko lang. Pero sa nakikita ko ngayon mukhang mag aaway talaga kami.

Im In Loved With That Gangster Too  [PART 2 COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon